Vatican, nakikiisa sa Ramadan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 532 total views

Nakiisa ang Vatican sa pagdiriwang ng mga Muslim ng Ramadan. Sa liham ng Pontifical Council for Interreligious Dialogue binigyang diin nito na pawang misyon ng mga kristyano at muslim ang ipalaganap ang diwa ng pag-ibig sa pamayanan na magbibigay pag-asa sa bawat indibidwal. Ayon sa Kanyang Kabunyian Miguel Ángel Cardinal Ayuso Guixot ang pangulo ng institusyon, mahalaga sa kasalukuyang panahon na isulong ang pagkakaisa at pagtutulungan lalo’t lahat ay apektado ng krisis pangkalusugan.

“We, Christians and Muslims, are called to be bearers of hope, for the present life and for the life to come, and to be witnesses, restorers and builders of this hope, especially for those experiencing difficulties and despair. We at the Pontifical Council for Interreligious Dialogue are glad to offer you our fraternal good wishes for a month rich in divine blessings and spiritual advancement,” bahagi ng mensahe ni Cardinal Guixot.

Tulad ng pagdiriwang ng mga Mahal na Araw sinabi ni Cardinal Guixot na sa panahon ng Ramadan ay nagsasagawa rin ang mga Muslim ng ‘fasting, prayer at almsgiving’ kung saan ito ay magdudulot at magpapalapit ng tao sa Panginoon.

Sinabi bg opisyal na higit kailangan ng mamamayan sa panahon ng pandemya ang diwa ng tulong ng Panginoon upang manatiling matatag at positibo sa buhay sa kabila ng negatibong epekto ng coronavirus pandemic.

Sinabi pa ng Cardinal na ang pagkakaisa ng mamamayan ay magbibigay pag-asa ng bawat isa. “Human fraternity, in its numerous manifestations, thus becomes a source of hope for all, especially for those in any kind of need. Thanks be to God our Creator, and to our fellow men and women, for the quick response and generous solidarity shown by believers and also persons of good will with no religious affiliation in times of disaster, whether natural or man-made, like conflicts and wars,” ani ng Cardinal.

Nagsimula ang Ramadan Abril 13, 2021 na inaasahang magtatapos sa Mayo 12. Sa Pilipinas tinatayang humigit kumulang sa 10-milyon ang bilang ng mga Muslim sa mahigit 100-milyong populasyon habang nanatiling mayorya sa bansa ang mga katoliko. Dalangin ng Pontifical Council for Interreligious Dialogue ang mabungang paggunita ng mga Muslim sa Ramadan sa kabila ng krisis na kinakaharap. “As a sign of our spiritual fraternity, we assure you of our prayer, and we send best wishes for a peaceful and fruitful Ramadan, and for a joyful ‘Id al-Fitr,” saad pa ni Cardinal Guixot.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 106,414 total views

 106,414 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 136,637 total views

 136,637 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 163,285 total views

 163,285 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 258,258 total views

 258,258 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 272,420 total views

 272,420 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top