Suportahan ang renewable energy sa halip na coal fired power plants.hamon mg Obispo sa mga bangko.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,466 total reads

Nagpahayag ng pakikiisa ang Diocese of San Carlos sa pananawagan at pag-apela sa mga banko na tuluyan ng binatawan ang kanilang suporta sa mga kumpanyang nagsusulong ng coal-fired power plants na lubhang nakasisira sa kalikasan.

Ito ang bahagi ng mensahe ni San Carlos Bishop Gerardo Alminaza kaugnay sa paggunita ng Earth Day 2021 ngayong araw.

Ayon sa Obispo, kaisa ng iba pang makakalikasang grupo sa buong daigdig ang Diyosesis ng San Carlos sa pananawagan para sa pangangalaga ng kalikasan at pagwawaksi sa mga mapanirang industriya.

Hinamon ng Obispo ang mga opisyal ng bangko sa nakatakdang annual shareholder’s meetings ng local banks sa bansa na bumuo ng mga bagong paraan at polisiya upang maging coal-free at gamitin ang kanilang financial resources sa pagsuporta at pagpapalago ng industriya ng renewable energy sa bansa.

“We from Diocese of San Carlos join the rest of the world this #EarthDay by calling on our banks to #WithdrawFromCoal. We challenge them to bring this up during their annual shareholder’s meetings, come up with clear public policies to turn their portfolio coal-free, and use their financial resources to support clean and affordable renewable energy.”pahayag ni Bishop Alminaza.

Ipinaliwanag ni Bishop Alminaza, kasabay ng paggunita ng Earth Day 2021 ang pagsisimula rin ng annual shareholders’ meeting season ng local banks sa bansa na isang magandang pagkakataon upang maipaalala ang climate emergency at kanilang mahalagang papel na maprotektahan ang kalikasan.

“Today, April 22, 2021, marks both Earth Day 2021 and the start of annual shareholders’ meeting season of our local banks, beginning with BPI. We are reminded of the pressing need to address the climate emergency and the role our banks play in funding a major driver of climate change: coal. These 15 Philippine banks are contributing to our reliance on this deadly, costly, and destructive energy source by channeling billions of dollars into coal developers and projects around the country. ” Dagdag pa ni Bishop Alminaza.

Kabilang sa 15 mga lokal na bangko na tinutukoy ng Bishop Alminaza at ng iba pang mga makakalikasang grupo ay ang BPI, BDO, Unibank, Metrobank, Securitybank, Asia United Bank, RCBC, UCPB, PNB – Philippine National Bank, Landbank Plaza, EastWest Bank, UnionBank of the Philippines, PBCOM, Development Bank of the Philippines, at Bank of Commerce China Bank PH.
Tema ng Earth Day 2021 ngayong taon ang “Restore Our Earth” na layong sulong ang agarang pagtugon sa climate emergency.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 45,340 total reads

 45,340 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 142,503 total reads

 142,503 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 186,772 total reads

 186,772 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 209,881 total reads

 209,881 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 283,076 total reads

 283,076 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top