Pilipinas at European Union, pinalawak pa ng partnership

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 535 total views

Nagpulong ang Pilipinas at European Union kung saan tinalakay ang kasalukuyang mga programa na kapaki-pakinabang sa mamamayang Filipino.

Ito ang kauna-unahang virtual forum ng Sub-Committee on Development Cooperation sa ilalim ng Philippines – EU Partnership and Cooperation Agreement.

“The meeting reviewed ongoing cooperation in areas such as peace and development in Mindanao, sustainable energy, and justice reforms. Both sides discussed the strategic areas of cooperation over the next seven years, with a focus on promoting a green resilient economy, justice and a peaceful society,” bahagi ng pahayag ng European Union in the Philippines.

Layunin din nitong higit na maisulong ang pagtutulungan ng Pilipinas at EU para sa pagpapaunlad ng ekonomiya at pangmatagalang kapayapaan sa bansa.

Kinilala ng magkabilang panig ang ilang programang ipinatupad sa bansa bunga ng pagtutulungan tulad ng programang nagkakahalaga ng 6.3 bilyong piso habang nilalagdaan naman ang kasunduan na nagkakahalaga ng 261 milyong piso para mabigyang enerhiya at livelihood projects ang mga kanayunan sa Mindanao.

[smartslider3 slider=21]

Ipinatutupad ang mga programa ng National Electrification Administration (NEA) sa pakikipagtulungan ng Mindanao Development Authority (MinDA).

Bukod pa rito ang mga programa sa peace process, renewable energy at energy efficiency, repormang pang katarungan, edukasyon at iba pa.

Tiniyak ng European Union ang pagpapaigting sa pakikipagtulungan sa Pilipinas lalo ngayong patuloy na kinakaharap ng bansa ang epekto ng coronavirus pandemic.

“It was agreed that one immediate priority will be to support the Philippines’ socio-economic recovery from the COVID-19 crisis,” ani ng EU.

Ang Sub-Committee on Development Cooperation ay nilikha noong Enero 28, 2020 sa Brussels Belgium sa pamamagitan ng PH-EU Joint Committee Meeting sa ilalim ng Philippines-EU PCA.

Pinangunahan ang pagpupulong nina Mr. Mario Ronconi, Head of Unit for South- and South East Asia at the Directorate General for International Partnerships of the European Commission at Department of Finance Undersecretary Mark Dennis Y.C. Joven.

Nakibahagi rin sa pulong sina Finance Secretary Carlos Dominguez at European Union Ambassador to the Philippines Luc Veron.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 102,884 total views

 102,884 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 133,108 total views

 133,108 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 159,756 total views

 159,756 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 254,729 total views

 254,729 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 269,079 total views

 269,079 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top