Mamamayan, hinimok na magtayo ng sariling ” Gulayang Bayan”.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 933 total reads

Matutugunan ng pagtatanim ng gulay sa mga bakuran ang nararanasang kagutuman sa bansa. Ito ang hamon ng dating opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-National Secretariat for Social Action (CBCP-NASSA/Caritas Philippines) kaugnay sa proyektong Gulayang Bayan na naglalayong mahikayat ang mga komunidad na magtanim ng mga gulay upang maiwasan ang kagutuman sa bawat tahanan.

Ayon kay Fr. Edwin “Edu” Gariguez, kasalukuyang Social Action Director ng Apostolic Vicariate ng Calapan, Oriental Mindoro , maganda ang naidudulot ng pagtatanim ng gulay sa mga bakuran lalo’t patuloy na umiiral ang epekto ng pandemya sa bansa na nagreresulta sa kagutuman ng nasa mahihirap na komunidad.

Ipinaliwanag ni Fr. Gariguez na bukod sa ito’y masustansyang pagkain sa katawan, higit rin itong makakatulong upang makatipid sa mga gastusin sa araw-araw.

“Laging may pagkain kung tayo ay nagtatanim [ng prutas at gulay]. ‘Yung sustainability o pangangailangan ng pagkain [ay] matutugunan at hindi ka na bibili,” bahagi ng pahayag ni Fr. Gariguez sa panayam ng Radio Veritas.

[smartslider3 slider=21]

Samantala, pinuri rin ng pari ang mga ipinapalaganap na community pantry sa iba’t ibang bayan at parokya na layong mabigyan ng makakain ang mga apektado ng pangkalusugang krisis.

Ayon kay Fr. Gariguez na ito’y magandang proyekto upang maibsan ang kagutuman sa bawat tahanan at pamayanan lalo’t patuloy na umiiral ang community quarantine.

Ngunit, sinabi ng pari na mayroong kaakibat na suliranin ang pagpapatuloy ng ganitong uri ng proyekto sa kabila ng magandang hangaring makapaghandog ng tulong sa kapwa.

Payo nito na mas makabubuting palaganapin rin ang pagtatanim sa halip na umasa lamang lagi sa panghihingi at ibinibigay na tulong. Dagdag pa ni Fr. Gariguez na dapat na ipagpatuloy ang pagiging mabait at matulungin sa kapwa lalo’t ang lahat-mahirap man o mayaman ay apektado ng pandemya.

“Mahalaga na makaisip ng suportang pamamaraan, kasi tuluy-tuloy pa rin ‘yan. Dapat maging mabait at magtulungan sa isa’t isa… Mas mabuting magtanim, kaysa humingi nang humingi… Tayong mahihirap, matuto ring magtanim,” saad ng pari.

Noong nakaraang taon sinimulan ng NASSA/Caritas Philippines ang Alay Kapwa sa Pamayanan: Caritas Kindness Stations na layong tugunan ang pangangailangan ng mga apektado ng umiiral na pandemya at ang community quarantine.

Sa kasalukuyan, aabot na sa halos 80 ang mga community pantry na itinayo sa iba’t ibang lugar sa bansa mula nang nagsilbing huwaran ang Maginhawa Community Pantry sa Maginhawa, Quezon City na nagsimula noong Abril 14, 2021.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 100,657 total reads

 100,657 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 177,487 total reads

 177,487 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 210,935 total reads

 210,935 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 246,235 total reads

 246,235 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 468,890 total reads

 468,890 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 158,427 total reads

 158,427 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top