CBCP, nagbigay pugay sa mga manggagawa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 706 total views

Tiniyak ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na patuloy nitong ipinanalangin at kinikilala ang sektor ng mga manggagawa. Ito ang mensahe ni CBCP President, Davao Archbishop Romulo Valles sa pagdiriwang ng Labor Day kasabay ng kapistahan ni San Jose Manggagawa.

Ayon sa arsobispo, ang pagtalaga kay San Jose bilang patron ng mga Manggagawa ay malinaw na tanda ng pakikiisa ng simbahan sa kanilang hanay.

“Giving St. Joseph as patron saint for workers and of laborers is a sign that the heart and mind of the church is with you; please know that you are prayed for, you are remembered and we are mindful of the great difficulties that many of you working and laboring for many kinds of services,” pahayag ni Archbishop Valles sa panayam ng Radio Veritas.

Sa Apostolic Letter na Patris Corde ni Pope Francis pinararangalan nito ang mga manggagawa na patuloy sa paggawa sa gitna ng banta ng pagkahawa sa coronavirus.

Inilalarawan din ng Santo Papa ang santo bilang ‘working father’ kung saan sa salaysay sa Banal na Kasulatan si San Jose ay isang karpintero.

Sa pananalasa ng COVID-19 pandemic labis na naapektuhan ang sektor ng manggagawa kung saan sa datos ng Department of Labor and Employment noong 2020 halos limang milyon ang bilang ng mga nawalan ng trabaho bukod pa sa mahigit dalawang libo nitong Abril 2021 nang muling ipatupad ang enhanced community quarantine sa National Capital Region, Bulacan, Rizal, Cavite at Laguna o ang NCR Plus Bubble.

Ipinanalangin din ni Archbishop Valles ang mga nawalan ng trabaho kasabay ang paalalang patuloy na manalangin sa grasya ng Diyos at bagong pag-asa.

“Our prayers always that you will be able to stand firm with hope and commitment in these difficult times through the grace of the Lord,” ani ng arsobispo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 102,896 total views

 102,896 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 133,120 total views

 133,120 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 159,768 total views

 159,768 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 254,741 total views

 254,741 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 269,091 total views

 269,091 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top