Indian Priest, humiling ng tulong at panalangin

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 501 total views

Humiling ng panalangin si Indian Priest Fr. Loyola Diraviam ng Servants of Charity para sa mamamayan ng India.

Sa panayam ng Radio Veritas, sinabi ni Fr. Diraviam na lubhang nahihirapan ang marami sa kanilang komunidad dahil sa labis na pagtaas ng bilang ng mga nahawaan ng COVID-19.

“May I humbly request you to join your hands with us and pray for our brothers and sisters here in India who are getting infected and dying every day due to this covid 19,” pahayag ni Fr. Diraviam sa Radio Veritas.

Labis na ikinalungkot ng pari ang sitwasyon sa kanilang lugar lalo na ang mga pasyenteng inalagaan ng Nazareth Illam, Home for the Mentally ill na pinangasiwaan ni Fr. Diraviam.

Paglalahad ng pari nasa 70 indibidwal na may mental illness ang kanilang pinangalagaan sa center.

“The situation here is really hard and it is bad; India’s runaway coronavirus surge is getting worse. It is affecting young adults, families and has killed a lot of young priests and sisters without mercy who served the people during the pandemic in different ways,” ani ng pari.

Batid ng buong mundo ang hirap na dinanas ng India na pumapangalawa sa Estados Unidos sa may pinakamaraming kasong naitala sa halos 20-milyong kaso kung saan mahigit sa 300-libo ang naitalang bagong kaso sa loob ng isang araw.

 

[smartslider3 slider=21]

 

Ikinalungkot pa ng pari ang kawalang sapat na lugar na paglilibingan sa mga pumanaw dahil sa virus kaya’t sinusunog na lamang ito sa itinalagang lugar.

Nangangamba si Fr. Diraviam sapagkat bukod sa pagprotekta sa mga may mental illness sa kanyang komunidad sa Thalavadi , Tamil Nadu, South India wala na rin itong sapat na pondo para sa pagbili ng mga gamot.

Hindi na rin kayang tugunan ng kanilang gobyerno ang pagbibigay ng gamot sa mga pasyente dahil sa kawalan ng suplay.

“Though we protect them from Covid, we have another problem that is the shortage of psychiatric medicines for our mentally ill patients. Due to shortage of funds, we don’t have enough medicines for our residents,” saad ni Fr. Diraviam.

Dahil dito bukod sa panalangin umapela ang pari ng tulong para sa mga inaalagaang inabandonang may mental illness. Sa mga nais magpaabot ng direktang tulong sa komunidad ni Fr. Diraviam sa India maaaring makipag-ugnayan sa Viber o Whatsapp sa numero +91 9600390133.

Maari ring magpadala sa pamamagitan ng Western Union sa M. LOYOLA DIRAVIAM, 35, Thirumalai nagar, Manjakuppam, Cuddalore, Tamilnadu, India- 607001.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang bayanihan

 118,235 total views

 118,235 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Mga kamay na punô ng dugo

 140,345 total views

 140,345 total views Mga Kapanalig, hindi nakikinig ang Diyos sa mga panalangin ng mga taong nagsisimula ng digmaan. Tinatanggihan Niya ang mga dasal na ito.  Ganito

Read More »

Isa pang state of emergency

 214,203 total views

 214,203 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 208,996 total views

 208,996 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top