Memoriam wall sa mga yumao,itinatag ng Quiapo church

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 609 total views

Nagtatag ng memoriam wall ang Minor Basilica of the Black Nazarene o Quiapo Church sa harap ng simbahan kung saan maaaring isulat ang pangalan ng mga yumaong mahal sa buhay lalo na ang nasawi sa coronavirus.

Ayon kay Fr. Douglas Badong, parochial vicar ng basilica, ito ay pakikiisa ng simbahan sa panawagan ng Arkidiyosesis ng Maynila na maglaan ng araw at oras para ipanalangin ang mga yumao dahil sa nakakahawa at nakamamatay na virus.

“Mayroon kaming memoriam wall kung saan isusulat ng mga tao ang pangalan ng mga namatay sa panahon ng pandemya,” mensahe ni Fr. Badong sa Radio Veritas.

Batay sa pastoral instruction na inilabas ni Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo, hinihikayat nito ang mga simbahan ng arkidiyosesis na magsagawa ng panalangin para sa mga apektado ng pandemya.

 

[smartslider3 slider=21]

 

Noong ika-5 ng Mayo ay itinalaga ito ng arkidiyosesis sa pananalangin para sa lahat ng frontliners na patuloy sa paglilingkod sa gitna ng mapanganib na epekto ng pandemya sa sariling kalusugan.

Ika-6 Mayo naman ang itinalagang araw para ipagdasal ang mga may karamdaman lalo na ang nahihirapan at nahawaan ng COVID-19 habang sa Mayo 7 naman ipagdasal ang mga pumanaw.

Ibinahagi ni Fr. Badong na magsasagawa ng pagsisindi ng kandila at pag-aalay ng panalangin ang Quiapo Church sa gabi ng Mayo 6 ganap na alas 7 ng gabi na pangungunahan ni Msgr. Hernando Coronel.

Sa Mayo 8 naman magtitipon ang mga pari ng arkidiyosesis para sa isang misa ganap na alas 9 ng umaga sa Manila Cathedral para sa lahat ng yumao bunsod ng COVID-19.

Hinikayat ng arkidiyosesis ang mananampalataya na makiisa sa mga gawain sa livestreaming sapagkat limitado lamang sa 30 porsyento ang pinapayagang makadalo sa mga simbahan bunsod ng modified enhanced community quarantine status sa National Capital Region at karatig lalawigan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 99,037 total views

 99,037 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 129,260 total views

 129,260 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 155,909 total views

 155,909 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 250,882 total views

 250,882 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 265,456 total views

 265,456 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top