Basilica Minore del Sto.nNino de Cebu, unang tampok sa Virtual pilgrimage ng CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 623 total reads

Itinampok sa unang Visita Iglesia, A Virtual Pilgrimage na handog ng CBCP – Episcopal Commission on Mission ngayong panahon ng pandemya ang Basilica Minore del Sto. Niño De Cebu.

Nakapaloob sa Visita Iglesia, A Virtual Pilgrimage ang kasaysayan ng Simbahan at ang mayamang debosyon ng mga mananamapalataya sa Sto. Niño na pinakamatandang debosyon sa Pilipinas.

Itinampok rin sa online pilgrimage ang iba’t ibang mga pastoral activities at programa na tinututukan ng Simbahan upang higit pang maipalaganap ang pananampalatayang Kristiyano sa bawat mamamayan.

Tiniyak naman ni Basilica Minore del Sto. Niño De Cebu Rector and Prior Rev. Fr. Pacifico Nohara, OSA ang patuloy na pagpapalaganap ng debosyon sa Sto. Niño na nagsimula 500-taon na ang nakakalipas.

Ayon sa Pari, ang Sto. Niño na imahen ng batang si Hesus ang pinakamatandang religious icon sa bansa at naging daluyan ng pananampalatayang Kristiyano para sa mga Filipino.

[smartslider3 slider=21]

Ipinaliwanag ni Fr. Nohara na mahalagang patuloy na maipalaganap ang mayamang debosyong ito lalo na sa mga kabataan sa kasalukuyang panahon na silang magpapatuloy ng pagpapalalim ng pananampalatayang Kristiyano sa hinaharap.

“We are very grateful of this gift of Holy Child through the image of Senior Sto. Niño especially that we are celebrating this year the 500 years of its arrival. We know that this image is the oldest religious icon in our country and we are very thankful to that because we have this faith now, started from our forefathers and we continue in our generation now and that’s our task to propagate this devotion especially to the young generation. We are very thankful of the Sto. Niño because he’s always with us and continuously guiding our ways.” pahayag ni Rev. Fr. Nohara .

Unang inihayag ni Apostolic Vicariate of Puerto Princesa Bishop Socrates Mesiona na siya ring chairman ng kumisyon na ang nasabing online pilgrimage ay bahagi na rin ng patuloy na paggunita sa ika-500 anibersaryo ng pagdating ng pananampalatayang Kristiyano sa Pilipinas.

Nagsimula ang Visita Iglesia, A Virtual Pilgrimage noong ika-8 ng Mayo na masusubaybayan tuwing unang Sabado ng buwan ganap na alas-dyes ng umaga sa pamamagitan ng official Facebook page ng CBCP-Episcopal Commission on Mission at ng TV Maria.

Inaasahan naman tampok sa susunod na serye ng online pilgrimage sa buwan ng Hunyo ang Diocesan Shrine and Parish of St. Anthony of Padua.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 17,067 total reads

 17,067 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 17,194 total reads

 17,194 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 31,285 total reads

 31,285 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 87,691 total reads

 87,691 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 211,192 total reads

 211,192 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 295,053 total reads

 295,053 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top