Mananampalataya, inaanyayahang makiisa sa SIMBAYANAN program ng iba’t-ibang Diocese at Archdiocese sa Pilipinas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 568 total reads

Hinimok ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang mananampalataya na makiisa sa mga gawaing magpapalago at makatutulong mapalalim ang ugnayan sa Panginoon.

Ayon sa obispo mahalaga ang pagbubuklod buklod ng mamamayan sapagkat ito ang ninanais ng Panginoon.

“Isang magandang pagkakataon na mapayaman natin ang ating pananampalataya sa pamamagitan ng pagsisikap na makilala yung ibang pamayanan na lumalago sa iba’t ibang paraan upang matulungan tayo sa isat isa; nawa’y lagi tayong naka-konek at makiisa sapagkat hangarin ng Diyos na magkaisa tayo,” pahayag ni Bishop Ongtioco sa panayam ng Radio Veritas.

Ang mensahe ni Bishop Ongtioco ay kasabay ng diocesan launching ng programang ‘Simbayanan’ na ginanap sa Immaculate Conception Cathedral sa Cubao nitong Mayo 19, 2021.

[smartslider3 slider=21]

Paliwanag pa ng Hello Father 911 anchor na tulad sa inilahad sa ebanghelyo mahalagang nakaugnay ang tao sa Diyos bilang puno at maylikha ng sanlibutan.

Sinabi nitong ang mga sanga sa isang puno ay nagtutulungan upang maging malusog tulad ng pamayanan ng Pilipinas na magtutulungan para maging matibay ang simbahan.

Ang ‘Simbayanan’ ay isang programang inilunsad ng Radio Veritas katuwang ang social communications ministry ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines at Catholic Media Network stations nationwide na layong isahimpapawd ang pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya mula sa 86 na mga diyosesis, arkidiyosesis, prelatura at apostolic vicariates sa buong bansa.

Ito ay inisyatibong pakikiisa sa pagdiriwang ng bansa sa 500 Years of Christianity na magbibigay halaga sa Banal na Misa.

Kaugnay dito hinikayat ni Bishop Ongtioco ang mahigit 80-milyong katoliko sa bansa na makiisa sa programa at sa lahat ng gawaing maghuhubog sa pananampalataya ng bawat isa.

“Makiisa sa napakagandang proyektong ito ‘SIMBAYANAN’ samba ng pamayanan, sama-samang makiisa sa napakagandang proyekto upang matagumpay ang ating 500yoc,” ani ng obispo.

Mapakikinggan ang banal na misa ng Simbayanan ganap na alas dose ng tanghali tuwing Miyerkules at Huwebes sa Radio Veritas 846 at sa 53 CMN stations sa buong bansa at mapapanuod sa TV Maria, Radyo Veritas PH at social media pages ng mga simbahan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 92,247 total reads

 92,247 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 169,444 total reads

 169,444 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 202,892 total reads

 202,892 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 238,191 total reads

 238,191 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 461,134 total reads

 461,134 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top