Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Namayapang Vicar for Religious ng RCAM, kinilala

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 716 total views

Kinilala at pinarangalan ng Archdiocese of Manila ang namayapang si Fr. James Jay Timothy Thomas Patrick Paul Ferry, M.M sa masigasig na paglilingkod sa simbahang katolika.

Sa requiem mass na pinangunahan ni Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo sinabi nitong buong pusong naisabuhay ni Fr. Ferry ang pagiging misyonerong katuwang ni Kristo sa pagpapalaganap ng mabuting balita sa sanlibutan.

“Fr. Ferry is always going out on his way in order to serve the Lord; he is a dedicated servant of God,” bahagi ng pagninilay ni Bishop Pabillo.

Pinasalamatan ni Bishop Pabillo ang Maryknoll Congregation sa pagkakataong naibahagi si Fr. Ferry sa pagmimisyon dito sa Pilipinas kung saan napalago ang pananampalataya ng mamamayan at nakahikayat ng maraming bokasyon.

 

[smartslider3 slider=21]

 

Hinangaan din ng obispo ang aktibong pakikilahok ng namayapang pari sa mga gawain ng Archdiocese of Manila kung saan nagsilbi itong Vicar for Religious sa loob ng 25 taon mula nang italaga ito ni dating Manila Archbishop Cardinal Jaime Sin noong 1996.

“We are fortunate in the Archdiocese of Manila that Fr. Ferry has been active up to the last moment of his life,” ani ng obispo.

Si Fr. Ferry ay ipinangak noong Hunyo 7, 1925 sa New York Estados Unidos.

Bago pumasok sa Maryknoll Missionaries noong 1946 nagsilbi si Fr. Ferry sa US Navy bilang surgical nurse noong World War II.

Sa kasaysayan kasama ni Fr. Ferry si Gen. Douglas MacArthur noong nagpunta ito ng Pilipinas kasama ang iba pang opisyal ng US Navy.

Taong 1956 nang muling dumating sa bansa si Fr. Ferry matapos maordinahang misyonero ng Maryknoll Missionaries sa Amerika.

Unang misyon ng pari sa bansa ang maging kura paroko sa isang parokya sa Paete Laguna habang inilipat ito sa Mindanao kung saan nanilbihan ng 30 taon sa Tagum, Lupon, Baganga, Bato-Bato at Davao City.

Nagturo rin si Fr. Ferry sa Regional Major Seminary (REMASE) sa Davao at hinubog ang ilang kabataan na maging pastol ng simbahan kabilang na si CBCP President, Davao Archbishop Romulo Valles.

Hinangaan din ng maraming pastol ng simbahan ang kababaang loob ng namayapang pari makaraang tanggihan nito ang nominasyon na maging obispo sa panahon ni Jaime Cardinal Sin.

Pebrero 2002 ginawaran ang pari ng Medal Pro Ecclesia et Pontifice mula kay St. John Paul II na kasalukuyang Santo Papa noon.

Bilang Vicar for Religious ng RCAM nagturo rin si Fr. Ferry ng Sacraments, Liturgy at Homiletics sa San Carlos Theologate, Holy Apostles Senior Seminary at Maryhill School of Theology.

Namatay si Fr. Ferry (Fr. JJTTPPF) noong Mayo 28, 2021 dahil sa pneumonia sa edad na 95 taong gulang.

Pinasalamatan ng Maryknoll Missionaries ang RVM Sisters na nangasiwa sa burol at libing ng pari batay na rin sa kahilingan nitong maihimlay sa libingan ng RVM sisters sa Loyola Memorial Chapel sa Marikina City.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

SINGIL SA KURYENTE

 36,573 total views

 36,573 total views Kapanalig, kahit humupa na ang sigalot sa pagitan ng Amerika at Iran, hindi pa rin tayo nakakahulagpos sa matinding pasakit na dulot ng

Read More »

SENATE GRIDLOCK

 38,783 total views

 38,783 total views Kapanalig, ang “impasse” ngayon sa Senate of the Philippines, ang labanan sa poder., sa liderato., committee chairmanships, ang talamak na grandstanding, pakikipagsabwatan ng

Read More »

Malaya pero bihag pa rin

 112,162 total views

 112,162 total views Mga Kapanalig, sa dalawang araw, ipagdiriwang natin ang Araw ng Kalayaan. Ngunit taun-taon nating tinatanong: tunay nga ba tayong malaya? Para masagot ito,

Read More »

Mga bisyong tayo rin ang may gawa

 125,152 total views

 125,152 total views Mga Kapanalig, nanawagan kamakailan ang grupong TobaccoOFF Now! na tuluyan nang ipagbawal ang mga vapes at e-cigarettes. Ang TobaccoOFF Now! ay binubuo ng

Read More »

Papalayô sa tunay na demokrasya

 151,971 total views

 151,971 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top