Magsisi at mag-ayuno

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 813 total reads

Patatagin ang pananalig sa Diyos, dahil walang imposible sa Panginoon.

Ito ang paanyaya ni Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo sa misang ginanap sa Our Lady of the Pillar Parish Church o kilala rin bilang Sta. Cruz church kaugnay sa ‘Day of Prayer and Fasting’ kasama ang may 100 pari ng Archdiocese of Manila.

Layunin ng inisyatibo ng Archdiocese of Manila ang pananalangin para sa paghihilom at pagbabalik loob sa Panginoon kaugnay na rin sa krisis na dulot ng pandemya.

Hiling din ng Obispo ang patuloy na paghingi ng tawad sa Panginoon, dahil ang paghingi ng tawad ay nagtatanggal ng kasalanan na ugat ng kasamaan.

“We humble ourselves before the Lord, kinikilala natin ang ating pagkukulang at isa na siguro sa ating pagkukulang ay ang ating labis na paniniwala kung ano ang magagawa ng material na bagay. Labis tayong naniniwala sa magagawa ng science, ng medicine, ng vaccines at quarantine periods. Totoo na ito ay nakakatulong pero may isang bagay na hindi natin nabibigyan ng halaga…ang kapangyarihan ng Panginoon, ang kapangyarihan ng grasya. Kumikilos ang grasya ng Diyos kapag walang sagabal, at ang sagabal ay ang kasalanan,” ang bahagi ng homilya ni Bishop Pabillo.

Paanyaya pa ni Bishop Pabillo sa mga dumalong pari na palakasin ang pananalig sa Diyos upang tulungan ang sarili at ang kawan ng Diyos.

“Magsisi, mag-ayuno at magdasal upang makuha natin ang tulong ng Diyos at iyan po ang ginagawa natin ngayong araw. Tayo ay nagdasal at ang ating penitential procession ay bahagi ng ating panalangin tayo ay nagsisisi,” ayon pa kay Bishop Pabillo

Dagdag pa ni Bishop Pabillo na ang panawagan ay hindi lamang sa mga pari kundi sa buong sambayanan.

Sa hiwalay na panayam, binigyan diin naman ni Fr. Douglas Badong-parochial vicar ng Quiapo church na tungkulin din ng mga mananampalataya ang maigting na pananalangin laban sa patuloy na banta ng pandemya.

“Nawa ay mahikayat ang mga tao na higit pang magdasal kailangan po natin na paigtingin pa. Hindi po natin maaring alisin ang Diyos at huwag nating isipin na pinababayaan tayo ng Diyos. Ito po sana, ay magdulot ng inspirasyon sa mga tao na lalung kumapit sa Diyos,”

Ang Day of Prayer ay nagsimula sa Penitential Rites mula sa Minor Basilica of the Black Nazarene (Quiapo church) at Penitential walk patungong simbahan ng Sta. Cruz kung saan isinagawa ang misa.

Ang Archdiocese of Manila ay binubuo ng higit sa 600 mga pari sa 86 na parokya na nagsisilbing pastol sa may tatlong milyong mananampalataya mula sa limang lungsod na nasasakop ng arikidiyosesis ang lungsod ng Maynila, Mandaluyong, Pasay, Makati at San Juan.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 18,601 total reads

 18,601 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 19,301 total reads

 19,301 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 36,897 total reads

 36,897 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 74,275 total reads

 74,275 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 105,543 total reads

 105,543 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 180,469 total reads

 180,469 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 272,857 total reads

 272,857 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 19,302 total reads

 19,302 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »
Scroll to Top