Military Bishop, may payo sa PNP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 576 total reads

Hindi dapat manaig ang emosyon sa halip ay pairalin ang pagiging makatwiran at makatarungan sa lahat ng pagkakataon.

Ito ang payo ni Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio sa mga kawani ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas kasunod ng panibagong kaso ng pamamaril ng isang pulis sa isang 52-taong gulang na ginang sa Barangay Greater Fairview, Quezon City noong ika-31 ng Mayo, 2021.

Ayon sa Obispo, bagamat hindi maiiwasan na magkaroon ng galit o sama ng loob laban sa kapwa ay hindi naman dapat na hayaang manaig ang negatibong emosyon.

“Gusto kong sabihin lang sa mga pulis na huwag naman nating, alam ko mayroon tayong mga problema minsan hindi po natin mawawala yan dahil mga tao lamang tayo, ngunit huwag naman natin [ilabas] kung ano ang galit, kung ano ang sama ng loob because we are people who have also reasons, yun mga what is reasonable yun ang dapat guiding principle natin something that is reasonable hindi yung kung nanggagaling sa emosyon natin.”pahayag ni Bishop Florencio sa panayam sa Radio Veritas.

Ipinaliwanag ni Bishop Florencio na hindi dapat magpadala sa negatibong emosyon ang bawat isa sapagkat hindi na muling maitatama pa ang maling magawa.

Giit ng Obispo, hindi na muling maibabalik pa ang anumang masisira o buhay na mawawala dahil sa pagpapadala sa labis na emosyong nadarama.

“Siguro kung talagang nandoon ang galit, nandoon ang sama ng loob ay huwag lang kumilos kung ano pa man kasi minsan nadadala tayo sa ating emosyon so yun [karahasan] ang nangyayari, so that is irreversible kasi kung merong namamatay hindi mo naman mabubuhay yun, so yun ang payo ko sa inyo mga kapatid na mga kapulisan.” Dagdag pa ni Bishop Florencio.

Pagbabahagi pa ni Bishop Florencio, dapat na tuwinang isaisip ng bawat kawani ng pwersa ng pamahalaan ang kanilang mga pamilya at mga mahal sa buhay na maaring maapektuhan ng mga maling desisyon at pagpapadala sa emosyon na maaring mauwi sa karahasan.

Tiniyak naman ng Obispo ang pananalangin para sa paggabay ng Panginoon sa may higit 190,000 mga pulis sa buong bansa.

“At the end of the day may pamilya din kayo, at the end of the day may mga anak din kayo, at the end of the day may asawa so kung titingnan po natin ay talagang mahirap yan, nasira mo na ang pamilya mo, nasira na ang career mo, mayroon ka pang napatay, ganun ang tingnan natin. So anyway I’ll be praying for you also as part of my duty as PNP and AFP Military Ordinariate.” Pagtiyak ni Bishop Florencio.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 85,521 total reads

 85,521 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 179,593 total reads

 179,593 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 223,861 total reads

 223,861 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 246,970 total reads

 246,970 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 318,255 total reads

 318,255 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top