Consumerism, iwaksi para sa kalikasan-Bishop Pabillo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 578 total reads

Paigtingin ang kamalayan sa tungkuling pangalagaan ang kalikasan.

Ito ang mensahe ni Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo kaugnay sa paggunita sa World Environment Day at Philippine Environment Month ngayong Hunyo.

Ayon kay Bishop Pabillo, na siya ring chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on the Laity, katulad ng paksa ng pagdiriwang ngayong taon na “ecosystem restoration”, kinakailangan ngayon ng daigdig ang wastong pagmamalasakit at pangangalaga upang mapanumbalik ang sigla at kagandahan ng mga likas na yaman nito.

“Itong commemoration na ito’y paalala sa atin na ang ating tungkulin sa environment ay talagang mahalaga na… Tulad ngayon, ang paksa ay ‘ecosystem restoration,’ kailangan nating i-restore at pangalagaan ang kalikasan,” bahagi ng mensahe ni Bishop Pabillo sa panayam ng Radio Veritas.

Tinukoy naman ng Obispo na isang paalala sa bawat isa ang mga nagaganap sa kapaligiran upang magkaroon na ng pagbabago sa mga nakagawiang lubos na nakakaapekto sa ating kalikasan maging sa kalusugan ng bawat tao.

Isa sa mga pagbabagong ito ang panawagang ‘ecological conversion’ na higit na makatutulong upang unti-unting mapigilan ang tuluyang pagkasira ng kalikasan at daigdig

“Kaya ito po sana ‘yung paalala sa atin, ano kayang change of lifestyle ang magagawa natin para naman hindi lalong masira ang kalikasan? Ang isa pong palaging pinapanawagan sa’tin ay ecological conversion na hinihikayat na magbago na ang ating pagkilos sa ating buhay,” ayon sa Obispo.

Samantala, hinihikayat naman ni Bishop Pabillo na nawa’y sa gitna ng umiiral na pandemya ay maging ‘less consumeristic’ ang bawat isa.

Ito’y upang maiwasan ang pagsasayang at pagkonsumo sa mga hindi makabuluhang bagay na kalauna’y nagdudulot lamang ng suliranin sa wastong pagpapanatili sa ating nag-iisang tahanan.

“Ngayong panahon ng pandemic, hinihikayat po tayong maging less consumeristic. Hindi bili nang bili at tapon nang tapon, pagkatapos,” ayon kay Bishop Pabillo.

Kaugnay nito, sinabi ng Kanyang Kabanalan Francisco na kinakailangan ng bawat isa na mapanumbalik ang ekolohikal na balanse sa ating sarili, sa kapwa, sa kalikasan at sa iba pang buhay na nilalang, maging sa pagkakaroon ng balanse sa pananampalataya sa Poong Maykapal.

Unang inilunsad ang World Environment Day noong 1974 sa pangunguna ng United Nations upang ipalaganap ang kamalayan hinggil sa wastong pagkilos at pangangalaga sa kalikasan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 80,378 total reads

 80,378 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 174,894 total reads

 174,894 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 219,162 total reads

 219,162 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 242,271 total reads

 242,271 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 313,763 total reads

 313,763 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 146,824 total reads

 146,824 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top