Eucharistic celebration, napakahalaga sa nararanasang COVID-19 pandemic

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 508 total reads

Ang wagas at walang kapantay na pagmamahal ng Diyos para sa bawat isa ang ipinagdiriwang ng bawat Kristiyano sa Banal na Misa.

Ito ang pagninilay ni Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo kaugnay sa paggunita ng Corpus Christi o Solemnity of the Most Holy Body and Blood of Christ.

Ayon sa Obispo na siya ring Chairman ng CBCP-Epsicopal Commission on the Laity, walang kapantay ang pagmamahal ni Hesus na inialay ang kanyang katawan at dugo para sa sangkatauahan.

Iginiit ni Bishop Pabillo na ito rin ang pangunahing dahilan ng paninindigan ng Simbahan na ang pagsasagawa ng Banal na Misa ay dapat na ituring na “essential” lalo na sa kasalukuyang panahon ng pandemya kung saan walang katiyakan ang buhay ng bawat isa.

“Ito po ang ipinagdiriwang natin sa bawat misa – ang pagmamahal ni Jesus na nag-alay ng kanyang katawan at dugo sa atin. Mahalaga ang paala-alang ito sa ating panahon. Kaya nga pinaninindigan natin na ang Banal na Misa ay essential, mahalagang mahalaga sa panahong ito. We need the assurance; we need the grace of God’s love for us in this pandemic! Everytime we celebrate mass we are reminded of God’s covenant of love with us and God’s commitment to us. We in turn renew our commitment to him by loving one another.” Ang bahagi ng pagninilay ni Bishop Broderick Pabillo.

Ibinahagi ng Obispo na kalakip ng pananampalatayang Kristiyano ay ang paniniwala sa walang kapantay na pagmamahal ng Diyos sa bawat isa na makakapitan sa gitna ng kagipitan at pagsubok.

“Ang maka-Kristianong pananampalataya sa Diyos ay ang paniniwala na mahal tayo ng Diyos – ganoon niya tayo kamahal na namatay si Jesus para sa atin. Kaya kahit sa mga panahon ng kagipitan tulad ngayon, mahal tayo ng Diyos. Hindi natin alam kung saan tayo dadalhin ng pandemyang ito. Pero alam natin na mahal tayo ng Diyos at ang pagmamahal niya ang gumagabay ng lahat.” Dagdag pa ni Bishop Pabillo.

Hinikayat naman ni Bishop Pabillo ang bawat isa na higit ipamalas ang pagmamahal sa Diyos hindi lamang sa pamamagitan ng pagmamahal at pangangalaga sa kapwa at sa kalikasan kundi maging sa pakikilahok sa mga usaping panlipunan na magtatakda ng kinabukasan at hinaharap ng bayan.

Inihayag ng Obispo na bahagi ng pagmamahal ng bawat isa sa Diyos ay ang pagmamahal sa bayan kung sa pamamagitan ng matalino at masusing pagpili ng mga mamumuno sa bayan.

“Tingnan natin na ang pagboboto ay bahagi ng ating pagmahal sa Diyos at ng ating pagpapahalaga sa kasunduan sa kanya. Binigay ng Diyos ang the best niya – ang kanyang bugtong na anak. Ibigay din natin ang the best natin sa ating pagmamamahal sa kanya: mahalin ang kapwa at mahalin ang bayan at ibigay sa kanila ang the best natin. This is the challenge of our covenant with God that we live in every Eucharist that we celebrate.” Ayon pa kay Bishop Pabillo.

Kaugnay nito lumabas sa isinagawang Veritas Truth Survey na mayorya sa mga Filipinong katoliko o 97 porsiyento ang naniniwala na ang katawan at dugo ni Hesus ang Eukarisitiya na tinatangap sa komunyon- sa pamamagitan na rin ng transubstantiation

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 7,276 total reads

 7,276 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 8,901 total reads

 8,901 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 19,820 total reads

 19,820 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 57,198 total reads

 57,198 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 88,468 total reads

 88,468 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 164,707 total reads

 164,707 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 257,954 total reads

 257,954 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 24,791 total reads

 24,791 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top