Consumerism, iwaksi para sa kalikasan-Bishop Pabillo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 554 total reads

Paigtingin ang kamalayan sa tungkuling pangalagaan ang kalikasan.

Ito ang mensahe ni Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo kaugnay sa paggunita sa World Environment Day at Philippine Environment Month ngayong Hunyo.

Ayon kay Bishop Pabillo, na siya ring chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on the Laity, katulad ng paksa ng pagdiriwang ngayong taon na “ecosystem restoration”, kinakailangan ngayon ng daigdig ang wastong pagmamalasakit at pangangalaga upang mapanumbalik ang sigla at kagandahan ng mga likas na yaman nito.

“Itong commemoration na ito’y paalala sa atin na ang ating tungkulin sa environment ay talagang mahalaga na… Tulad ngayon, ang paksa ay ‘ecosystem restoration,’ kailangan nating i-restore at pangalagaan ang kalikasan,” bahagi ng mensahe ni Bishop Pabillo sa panayam ng Radio Veritas.

Tinukoy naman ng Obispo na isang paalala sa bawat isa ang mga nagaganap sa kapaligiran upang magkaroon na ng pagbabago sa mga nakagawiang lubos na nakakaapekto sa ating kalikasan maging sa kalusugan ng bawat tao.

Isa sa mga pagbabagong ito ang panawagang ‘ecological conversion’ na higit na makatutulong upang unti-unting mapigilan ang tuluyang pagkasira ng kalikasan at daigdig

“Kaya ito po sana ‘yung paalala sa atin, ano kayang change of lifestyle ang magagawa natin para naman hindi lalong masira ang kalikasan? Ang isa pong palaging pinapanawagan sa’tin ay ecological conversion na hinihikayat na magbago na ang ating pagkilos sa ating buhay,” ayon sa Obispo.

Samantala, hinihikayat naman ni Bishop Pabillo na nawa’y sa gitna ng umiiral na pandemya ay maging ‘less consumeristic’ ang bawat isa.

Ito’y upang maiwasan ang pagsasayang at pagkonsumo sa mga hindi makabuluhang bagay na kalauna’y nagdudulot lamang ng suliranin sa wastong pagpapanatili sa ating nag-iisang tahanan.

“Ngayong panahon ng pandemic, hinihikayat po tayong maging less consumeristic. Hindi bili nang bili at tapon nang tapon, pagkatapos,” ayon kay Bishop Pabillo.

Kaugnay nito, sinabi ng Kanyang Kabanalan Francisco na kinakailangan ng bawat isa na mapanumbalik ang ekolohikal na balanse sa ating sarili, sa kapwa, sa kalikasan at sa iba pang buhay na nilalang, maging sa pagkakaroon ng balanse sa pananampalataya sa Poong Maykapal.

Unang inilunsad ang World Environment Day noong 1974 sa pangunguna ng United Nations upang ipalaganap ang kamalayan hinggil sa wastong pagkilos at pangangalaga sa kalikasan.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 8,004 total reads

 8,004 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 9,555 total reads

 9,555 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 20,930 total reads

 20,930 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 58,308 total reads

 58,308 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 89,578 total reads

 89,578 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 165,724 total reads

 165,724 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 258,911 total reads

 258,911 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 73,784 total reads

 73,784 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top