Eksperto, tutol na ihinto ang pagsusuot ng face shield

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 742 total reads

Iginiit ni dating Special Adviser to the National Task Force on COVID-19 Dr. Tony Leachon na hindi napapanahon ang panawagang ihinto na ang paggamit ng face shield bilang proteksyon laban sa COVID-19 transmission.

Ayon kay Dr. Leachon, malaki ang epekto ng pagsusuot ng face shield dahil nakadaragdag ito sa kaligtasan ng publiko upang maiwasan ang COVID-19 infection na maaaring makuha kapag ito’y pumasok sa mata, ilong at bibig.

“Kasi science-based tayo… We have to protect ‘yung portals of entry ng bacteria and virus, ito ay ‘yung mouth eyes and nose,” pahayag ni Dr. Leachon sa panayam sa Veritas Pilipinas.

Paliwanag ni Dr. Leachon, napatunayan sa mga pag-aaral na ang karagdagang pagsusuot ng face shield ay nagreresulta sa 78-porsyentong posibilidad na maiwasan ang pagkahawa o mahawa sa virus.

Patuloy namang ipinapaalala ng Department of Health na palaging sundin ang minimum health protocols tulad ng pagsusuot ng face mask at face shield, maging ang social distancing.

“‘Yan ay pinag-aralang mabuti… In fact, ang face mask, 67% [ang protection] kung mag-isa lang siya, kapag face shield, 78% reduction ka to transmit the virus and then kapag naka-social distancing ka ng 1 meter, mga 95%. Kapag pinagsasama-sama mo ‘yang tatlo, magkakaroon ka ng 99% reduction in coronavirus transmission,” saad ni Dr. Leachon.

Paalala naman ni Dr. Leachon na huwag pa ring maging kampante sa panahon ngayong patuloy na nilalabanan at hinahanapan ng solusyon ang pandemya.

Hinihikayat nito ang lahat na panatilihing ligtas ang mga sarili at patuloy na makipagtulungan sa pamahalaan upang lubos nang malunasan ang nakahahawa at nakamamatay na sakit.

“Hindi pa po tapos ang giyera natin… Do not drop your guards. Ang kailangan natin ay to step up pa nga to the plague,” dagdag ni Dr. Leachon.

Magugunitang hiniling ni Manila Mayor Isko Moreno sa pamahalaan na itigil na ang pagpapagamit ng face shield sa publiko at sa halip ay gamitin na lamang sa mga ospital upang makabawas sa mga gastusin at isipin ng taumbayan.

Unang ipinag-utos ng pamahalaan noong Disyembre 2020 ang palagiang pagsusuot ng face shield kasabay ng pagsusuot ng face mask bilang karagdagang proteksyon laban sa COVID-19.

Batay naman sa isinagawang survey noong Pebrero, anim sa sampung Filipino ang sumusunod sa face shield requirement ng pamahalaan.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 5,027 total reads

 5,027 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 6,763 total reads

 6,763 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 16,338 total reads

 16,338 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 53,716 total reads

 53,716 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 84,986 total reads

 84,986 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 161,488 total reads

 161,488 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 254,928 total reads

 254,928 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 73,525 total reads

 73,525 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top