Simbahan at pamahalaan, nagtutulungan sa pagpapalaganap ng COVID 19 vaccine confidence

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 629 total reads

Patuloy na nakikipagtulungan sa pamahalaan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines upang maipalaganap ang vaccine confidence kaugnay sa COVID-19 vaccine.

Ayon kay CBCP-Episcopal Commission on Health Care Executive Secretary, Camillian Priest Fr. Dan Vicente Cancino, patuloy ang pakikipag-ugnayan ng simbahan sa Department of Health at iba pang pribadong sektor para maisagawa ang information dissemination upang mapawi ang pangamba ng publiko laban sa COVID-19.

“Tuluy-tuloy pa rin ‘yung information dissemination, building confidence on COVID-19 vaccination,” bahagi ng pahayag ni Fr. Cancino sa panayam ng Radio Veritas.

Sinabi rin ng opisyal ng CBCP na tinitiyak ng komisyon na maayos na ipinatutupad ng pamahalaan ang vaccination program para sa mga nasa priority list, lalong-lalo na ang mga senior citizens at nasa mahihirap na komunidad.

Dagdag pa ni Fr. Cancino na sinisikap rin ng komisyon na matulungan ang mga church workers upang agad na makatanggap ng bakuna bilang proteksyon laban sa virus lalo’t pinahintulutan na ng pamahalaan ang 50-percent seating capacity sa mga religious activities.

“We’re making sure that the prioritization ng vaccination is implemented properly and we’re trying to make sure na ‘yung ating mga church workers din would be receiving their vaccination as soon as possible,” ayon kay Fr. Cancino.

Samantala, dumating na sa bansa ang karagdagang isang milyong doses ng Sinovac vaccine na unang batch ng vaccine na mismong ang pamahalaan ang gumastos sa halagang P700-million.

Ipapamahagi ang mga nasabing vaccines sa Metro Manila, Zamboanga, Cagayan de Oro, Butuan at mga lalawigan sa Western Visayas kung saan patuloy pa rin ang pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Layunin ng pamahalaan na mabakunahan ang nasa 70-milyong indibidwal ngayong taon upang maabot ang herd immunity laban sa nakakahawa at nakamamatay na sakit.

Batay sa huling ulat ng DOH, umabot na sa 1.27-milyon ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa kung saan 7,228 ang panibagong kaso.

Habang umabot naman sa 7,372 ang mga gumaling at 166 ang naitalang mga nasawi.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 74,030 total reads

 74,030 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 169,178 total reads

 169,178 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 213,446 total reads

 213,446 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 236,555 total reads

 236,555 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 308,365 total reads

 308,365 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 146,601 total reads

 146,601 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top