Cardinal Tagle, umaapela sa mga magulang

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 829 total reads

Umaapela sa mga magulang ang Kanyang Kabunyian Luis Antonio Cardinal Tagle – Prefect of the Congregation for the Evangelization of Peoples upang ganap na magsilbing daan ng kanilang mga anak para sa pangakong buhay na walang hanggang ng Panginoon.

Ayon sa Cardinal, dapat na maipakita at maipamalas ng mga mag-asawa ang tipanan ni Hesus at ng Simbahan sa kanilang mga supling.

Ipinaliwanag ni Cardinal Tagle na dapat na matutunan ng mga mag-asawa ang tunay at ganap na tipanan sa pamamagitan ng Banal na Eukaristiya upang higit na mapatatag ang samahan ng buong pamilya na itinuturing na munting bahagi ng Simbahan na itinatag ni Hesus.

“Sana the married people through the Eucharist may we learn, may you learn how to renew your covenant. Left to yourselves mahirap but with Jesus joining Jesus in His covenant then hopefully married people would have the strength to live and transform their domestic church, the family the domestic church as a community of covenant relationship.” Ang bahagi ng mensahe ni Cardinal Luis Antonio Tagle.

Ibinahagi ng Kardinal na ang pagmumulat sa mga kabataan sa kahalagahan ng Banal na Eukaristiya ay isa sa mahalagang tungkulin na dapat na gampanan ng mga magulang.

Iginiit ni Cardinal Tagle na mahalagang sa murang edad pa lamang ay mamulat at mabuksan na ang kamalayan ng mga kabataan sa walang kapantay at wagas na pag-ibig ng Panginoon kung saan inaalala sa Banal na Misa ang pagkakaloob ng katawan at dugo ni Hesus upang iligtas ang sangkatauhan mula sa kasalanan.

“Please do not forget bring your children to Jesus especially in the memorial called the Eucharist, for everytime we celebrate the Eucharist we join Him in His act of covenant love for our sin.” Dagdag pa ni Cardinal Tagle.

Ayon sa Cardinal, hindi lamang mga makamundong pagkain ang dapat na maipakain ng mga magulang sa kanilang mga anak sa halip ay higit na mas mahalaga na maturuan ang mga kabataan na tanggapin ang katawan at dugo ni Kristo na siyang daan tungo sa buhay na walang hanggan.

“Kahit ilang hamburger pa ang ipakain niyo sa anak ninyo kapag araw ng Linggo kulang pa ang papel ninyo bilang magulang kapag hindi sila nakakakain ng katawan ni Kristo, kapag puro hamburger dadalhin niyo yan sa ospital, kapag katawan ni Kristo dinadala niyo sila sa buhay na walang hanggan.” Paliwanag ni Cardinal Tagle.

Si Cardinal Tagle ay ang pinuno ng isa sa pinakamahalagang sanggay ng Vatican na nangangasiwa sa pagbabahagi ng Ebanghelyo sa iba’t ibang paraan lalo na sa kasalukuyang modernong panahon.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 5,820 total reads

 5,820 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 7,524 total reads

 7,524 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 17,625 total reads

 17,625 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 55,003 total reads

 55,003 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 86,273 total reads

 86,273 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 162,667 total reads

 162,667 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 256,030 total reads

 256,030 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 24,580 total reads

 24,580 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top