Stella Maris Philippines, nag-alay ng panalangin sa dinukot na Filipino seafarer Gulf of Guinea

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 733 total reads

Nag-alay ng panalangin ang Stella Maris – Philippines para sa kaligtasan ng mga marino sa kanilang paglalayag sa karagatan.

Sa pahayag ni Balanga Bishop Ruperto Santos, Bishop-promoter ng Apostleship of the Sea/Stella Maris – Philippines kinilala nito ang dedikasyon ng mga seafarers sa paghahanapbuhay sa kabila ng matinding panganib lalo na sa Gulf of Guinea na maraming pirata.

“We, at Stella Maris-Philippines, pray and hope for the greater protection of that area from sea pirates,” pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Ang pahayag ng obispo ay kaugnay sa pagdukot ng mga pirata sa crew member ng isang fishing vessel malapit sa Benin sa Gulf of Guinea nitong Hunyo 1.

Ayon kay Bishop Santos, lubhang mapanganib ang ruta ng mga barko sa Gulf of Guinea na may biyaheng Senegal patungong Angola sapagkat maraming insidente ng pagdukot sa nasabing lugar.

Umaasa ang opisyal ng Stella Maris Philippines na paigtingin ng mga awtoridad ang imbestigasyon at panagutin sa batas ang mga responsable sa karahasan.

“We also pray that the concerned civil authorities and international communities will continue to work hand in hand for the promotion of rule of law, so that those pirates be arrested, tried and prosecuted,” ani Bishop Santos.

Sa ulat ng Ghanian police limang kawani ng fishing vessel ang dinukot na kinabibilangan ng apat na Koreano at isang Filipino.

Puspusan ngayon ang isinasagawang rescue operations upang iligtas sa panganib ang dinukot na mga crew at makauwi sa kani-kanilang pamilya.

Nag-alay na rin ng panalangin at Banal na Misa ang Stella Maris – Philippines para sa kaligtasan ng mga biktima.

Kinilala ni Bishop Santos ang dedikasyon ng mga seafarers sa kabila ng hirap ng kanilang trabaho at hiniling ang paggabay ng Mahal na Birhen para sa kaligtasan ng kanilang paglalayag.

“We consistently recognize their dedication and determination for the successful completion of their sea voyage. We pray for them and remember them in our Holy Masses, invoking our Blessed Mother Mary whom we lovingly have as our Star of the Seas, to take our seafarers under her maternal care and embrace, keeping them safe, strong and sound in mind and body,” ani ng obispo.

Sa tala ng International Maritime Bureau, mahigit sa 95 porsyentong global maritime kidnappings noong 2020 ang nangyari sa Gulf of Guinea o 130 sa kabuuang 135 kaso ng pagdukot.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 75,337 total reads

 75,337 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 170,276 total reads

 170,276 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 214,544 total reads

 214,544 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 237,653 total reads

 237,653 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 309,401 total reads

 309,401 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top