Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mas malalim na problema sa pulisya

SHARE THE TRUTH

 354 total views

Mga Kapanalig, “to serve and protect” ang motto ng ating mga pulis. Kaakibat ng unipormeng suot at armas na tangan nila ang tungkuling paglingkuran at protektahan tayong mga mamamayan. Bilang mga lingkod-bayan, sumumpa silang pangangalagaan ang kapakanan ng publiko.

Ngunit nababahiran ito ng pagkakasangkot ng ilang pulis sa mga baluktot na gawain. Noong isang linggo, kumalat ang video ng isang lasing na pulis na sinabunutan at pinatay ang isang 52 taong gulang na ginang sa Barangay Fairview dito sa Quezon City. Makapanindig-balahibo ang nakunang video. Haharap ang pulis sa kasong murder, habang sinampahan na rin siya ng kasong administratibo na maaaring magtanggal sa kanya sa serbisyo. Mala-eksena pa sa teleserye ang ginawang pagsermon ni PNP Chief Guillermo Eleazar nang makaharap niya ang pulis. Nangyri ito ilang buwan pa lang ang nakalilipas nang magulantang tayo sa pagpatay din ng isang pulis sa Tarlac sa mag-inang nakasagutan niya. Nakunan din ng video ang pagpatay sa kanila ng pulis.

Itinuturing ng PNP na “isolated case” ang mga krimeng ang mga pulis ang pangunahing may gawa. Sa tuwing may lumalabas na ganitong mga balita, mabilis na sasabihin ng mga namumuno sa ating pulisya na ginagawa nila ang lahat para malinis ang kanilang hanay, na patuloy ang tinatawag nilang “internal cleansing.” Nakikiusap din silang huwag idamay ang matitinong pulis sa negatibong imaheng dala ng mga pulis na sangkot sa krimen. Bayani raw na maituturing ang mga pulis dahil sa maraming pagkakataon, handa silang ilagay sa panganib ang kanilang buhay para mabuhay ang iba.

Hindi natin itinatangging may mabubuti pa ring mga pulis, na may mga mapagkakatiwalaan pa rin tayo sa kanila. Ngunit hindi ito dahilan upang hindi na natin punahin ang institusyong ang pangunahing tungkulin ay pangalagaan ang buhay ng tao. Ilang taon na rin silang naging instrumento ng administrasyong Duterte para sa madugong giyera nito laban sa iligal na droga, at hindi kakaunti ang mga pagkakataong mga armas nila ang dahilan upang masawi ang mga kababayan nating hindi nabigyan ng tsansang dumaan sa tamang proseso ng batas at magbagong-buhay.

Sa kabila ng mga dungis sa imahe ng pulis dahil na rin sa kanilang kagagawan, isa sila sa mga pinakapinahahalagahan ng kasalukuyang administrasyon. Sa bagong pandemic package relief—na tinatawag ding “Bayanihan To Arise As One Act” (o Bayanihan 3)—na nakahain sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at may kabuuang halagang 401 bilyong piso, aabot sa halos 55 bilyong piso ang inilaan para sa pensyon ng mga pulis at sundalo. Pambawi raw ito sa malaking bawas noon sa pondong nakalaan sa mga tagapagpatupad ng batas. Ngunit sa harap ng nagpapatuloy na krisis na dala ng pandemya, marami ang nagtatanong kung bakit prayoridad ito kaysa sa mga programang pakikinabangan sana ng mga guro at magsasakang apektado rin ng pandemya.

Hindi natin sinasabing hindi karapat-dapat ang mga pulis na tumanggap ng pensyon. Ngunit maging sensitibo sana ang ating kapulisan sa kalidad ng serbisyong inaasahan sa kanila lalo pa’t pinahahalagahan sila nang malaki ng pamahalaan. Mas malalim ang ugat ng problema sa kanilang hanay na nauuwi nga sa paglalagay nila sa kanilang kamay ng batas. Ang isyu ng karahasang ginagawa ng mismong mga pulis ay isang tanong tungkol sa kung paano nila pinahahalagahan ang buhay at dignidad ng tao, mga pagpapahalagang matingkad sa mga panlipunang turo ng ating Simbahan.

Mga Kapanalig, tayong lahat, kabilang ang mga pulis, ay inaasahang maging mga tagapamayapa. “Mapalad ang mga gumagawa ng paraan para sa kapayapaan,​ sapagkat sila’y ituturing na mga anak ng Diyos,” wika nga sa Mateo 5:9. Higit sa lahat, ang mga pulis ang dapat maging instrumento ng kapayapaan, hindi ng terorismo at pagpatay.

Sumainyo ang katotohanan.

[smartslider3 slider="20"]

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pekeng sakripisyo

 6,701 total views

 6,701 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 15,017 total views

 15,017 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »

Pope Francis

 33,749 total views

 33,749 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »

The Good News

 50,259 total views

 50,259 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »

Trend

 51,523 total views

 51,523 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pekeng sakripisyo

 6,702 total views

 6,702 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 15,018 total views

 15,018 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pope Francis

 33,750 total views

 33,750 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

The Good News

 50,260 total views

 50,260 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trend

 51,524 total views

 51,524 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maiingay na lata

 52,958 total views

 52,958 total views Mga Kapanalig, nang arestuhin si dating Pangulong Duterte para humarap sa International Criminal Court (o ICC), bumuhos sa social media ang iba’t ibang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Edukasyon at kahirapan

 53,183 total views

 53,183 total views Mga Kapanalig, masaya ang administrasyong Marcos Jr na mahigit 90% ng mga Pilipino ang marunong magbasa, magsulat, at magbilang. Ito ang lumabas sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pasko ng Muling Pagkabuhay at eleksyon

 45,885 total views

 45,885 total views Mga Kapanalig, maligaya at mapayapang Pasko ng Muling Pagkabuhay ni Hesus! Wika nga sa Mateo 28:6, “Wala siya [sa libingan], nabuhay Siyang muli.”

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Itigil ang pambabastos sa kababaihan

 81,430 total views

 81,430 total views Mga Kapanalig, kabi-kabila ngayon ang naririnig nating pambabastos sa kababaihan sa pangangampanya ng mga pulitiko. Parang angkop na tawagin silang trapo—hindi dahil traditional

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dignidad ng mga PWD

 90,306 total views

 90,306 total views Mga Kapanalig, paano natin tinatrato ang mga persons with disability (o PWDs) sa ating lipunan? Sa isang video na nag-viral kamakailan, isang babaeng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tungkulin sa pandaigdigang komunidad

 101,384 total views

 101,384 total views Mga Kapanalig, simula nang makulong si dating Pangulong Duterte sa The Hague, naging mulat na tayo sa ating mga obligasyon sa pandaigdigang larangan.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahinahunan

 123,793 total views

 123,793 total views Maging mahinahon… Pagtitimpi… mahabang pasensiya at pang-uunawa. Kapanalig ito ay isang hamon sa ating mamamayang Pilipino, sa ating sarili sa gitna ng kinaharap

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 142,511 total views

 142,511 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ghost students

 150,260 total views

 150,260 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top