Paggawad ng “insignia” kay Cardinal Advincula, muling itinakda sa ika-18 ng Hunyo 2021

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 649 total reads

Ibinahagi ni Archdiocese of Manila Archbishop-elect Cardinal Jose Advincula na itinakda sa Hunyo 18, 2021 ang paggawad ng ‘insignia’ ng Cardinal.

Sa panayam ng Radio Veritas kay Cardinal Advincula, sinabi nitong ito ang napagkasunduang araw batay na rin sa konsultasyon ng mga eksperto at bago magtungo sa Manila ang arsobispo.

Matatandaang unang itinakda noong Mayo 28 ang ‘bestowal of red hat’ ng Cardinal ngunit ipinagpaliban dahil sumailalim sa 14-day mandatory quarantine si Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown makaraang dumating sa bansa mula New York City.

Itinakda ito noong Hunyo 8 subalit muling ipinagpaliban batay na rin sa rekomendasyon ng mga eksperto sa kalusugan at kaligtasang pangkalusugan ng mga dadalo dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19 sa Capiz.

“Sana matuloy na ang bestowal ng insignia; increasing pa rin kasi ang number ng new COVID-19 cases sa Capiz,” pahayag ni Cardinal Advincula sa Radio Veritas.

Alas 3:30 ng hapon nakatakdang isasagawa ang seremonya ng paggawad ng ‘insignia’ ni Cardinal Advincula sa Immaculate Conception Metropolitan Cathedral sa Roxas City.

Nakatakda naman sa Hunyo 24, 2021 ang pagtatalaga kay Cardinal Advincula bilang ika – 33 arsobispo ng Archdiocese of Manila sa Manila Cathedral na dadaluhan ng piling panauhin bilang pagsunod sa safety health protocol.

Philippine delegate sa COP31, dismayado

 52,407 total reads

 52,407 total reads Dismayado ang ilang delegado ng COP31 na ginanap sa Turkiye dahil sa pag-atras ng mga napagkasunduang hakbang para tugunan ang climate change. Sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi krimen ang magprotesta

 102,323 total reads

 102,323 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 222,902 total reads

 222,902 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 273,260 total reads

 273,260 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 398,356 total reads

 398,356 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top