Pagkakahirang kay Cardinal Tagle bilang member Cardinal ng Congregation for Eastern Churches, karangalan sa mga Filipinong Pari sa Roma

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 883 total reads

Ikinagagalak ng mga Filipinong pari sa Roma ang pagkakabilang ng Kaniyang Kabunyian Luis Antonio Cardinal Tagle bilang cardinal-member ng Congregation for the Eastern Churches. Ang tanggapan ay binubuo ng 27-miyembro na pinamumunuan ni Cardinal Leonardo Sandri simula 2014. Si Cardinal Tagle na siya ring Prefect of the Congregation for the Evangelization of Peoples o Propaganda Fidei ay magiging bahagi sa tanggapan bilang katuwang sa pamamahala ng simbahan.

Ayon kay Fr. Greg Gaston-rector ng Pontificio Collegio Filipino isang karangalan ng mga Filipino ang pinakabagong tungkulin ni Cardinal Tagle sa simbahan at ang tiwalang ibinibigay ng Santo Papa.

“So, si Cardinal Tagle ay hiningan din naman ng tulong sa iba pang offices at ang pinakabago ngayon ay ang Congregation for Oriental churches.

Kaya masaya tayong lahat at ipinagdarasal din natin si Cardinal Tagle kasi marami talagang mga offices kung saan siya ay tumutulong,” ayon kay Fr. Gaston.

Hiling din ng pari ang panalangin ng mananampalataya lalu na ng mga Filipino upang magampanan ni Cardinal Tagle ang bagong tungkulin, bukod pa sa ilang tanggapan sa Vatican na kaniyang pinamumunuan.

Si Cardinal Tagle rin ang kasalukuyang pangulo ng Caritas Internationalis. Ang congregation ay isang tanggapan ng Roman Curia na katulong ng Santo Papa sa pamamalakad ng simbahan, ito ay karaniwang pinamamahalaan ng cardinal o arsobispo at mga kasapi.

Ang Congregation for Eastern Churches o kilala rin bilang Oriental Churches ay dating bahagi ng Propaganda Fidei at idineklarang hiwalay na tanggapan ni Pope Benedict XV noong 1917.

Sa kasalukuyan ang kongegasyon ay nakikipagtulungan sa 23 mga simbahan at pamayanan sa Silangang Katoliko upang matiyak na pinahahalagahan ng unibersal na Simbahang Katoliko ang pagkakaiba-iba nito, kabilang ang liturhiya at kabanalan.

Ang Pilipinas ay bahagi ng Western Church kung saan sinusunod ang Latin o Roman rites habang sa Eastern church ay sinusunod naman ang Griyegong rito.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 154,742 total reads

 154,742 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 227,542 total reads

 227,542 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 260,990 total reads

 260,990 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 296,289 total reads

 296,289 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 516,739 total reads

 516,739 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top