Pagdiriwang ng kapistahan ng Ina ng Penafrancia, inihayag ng Archdiocese of Caceres

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,241 total reads

Inihayag ng Archdiocese of Caceres ang planong pagdiriwang ng Kapistahan ng Mahal na Ina ng Peñafrancia sa pamamagitan ng solemn thanksgiving bilang patuloy na pag-iingat mula sa pagkalat ng COVID-19.

Tatlong buwan bago ang buwan ng Setyembre na isang mahalagang panahon para sa mga Bicolanong mananampalataya ay muling umapela ng pag-unawa at pakikipagtulungan si Caceres Archbishop Rolando Tria Tirona para sa mga pagbabago sa nakatakdang paggunita ng Peñafrancia Festival 2021.

Nasasaad sa panibagong sirkular ni Archbishop Tirona kaugnay sa paghahanda para sa Peñafrancia Festival ang ilang mga pagbabago sa mga karaniwang aktibidad para sa kapistahan ng Mahal na Ina ng Peñafrancia. Ipinaliwanag ng Arsobispo na dapat gamiting pagkakataon ng mga mananampalataya ang kasalukuyang panahon upang higit na mapag-alab ang kanilang debosyon sa pamamagitan ng taimtim na pananalangin at pagninilay kasama ang buong pamilya sa tahanan.

“We recognized the longing of many devotees for the traditional devotional practices. Truly, such practices have contributed to the propagation of the devotion. But given the fact that the COVID-19 pandemic continues to be a threat to public health, it is of higher value to celebrate the Peñafrancia Festival in solemn thanksgiving to our Ina who has always protected us from harm.”bahagi ng sirkular ni Archbishop Tirona.

Karaniwang dinadagsa ng mga turista at mananampalataya mula sa iba’t ibang panig ng bansa partikular na ng mga deboto ng Mahal na Ina ng Peñafrancia at maging sa Divino Rostro o Holy Face of Jesus ang Naga City tuwing buwan ng Setyembre upang makibahagi sa pagdiriwang ng Peñafrancia Festival.

Ayon sa Arsobispo, maari pa ring magkaisa ang mga deboto ng Mahal na Ina ng Peñafrancia sa pagpapamalas ng kanilang debosyon mula sa kanilang mga tahanan na mas ligtas at naaangkop na paraan bilang pag-iingat ngayong panahon ng pandemya.

“As the pinnacle of our Marian feast, the Peñafrancia Fiesta unites devotees from different geographies and generations. This year, the fiesta will unite devotees in prayer and reflection while we strictly observe health protocols and other precautionary measures.” Dagdag pa ni Archbishop Tirona.

Nilinaw rin ni Archbishop Tirona na bagamat hindi muli maipapamalas ng mga deboto ng Mahal na Ina ng Peñafrancia ang kanilang maalab ng debosyon sa pamamagitan ng tradisyonal na pamamaraan ay hindi naman ito kabawasan sa mga biyaya at mga pagpapala na igagawad ng Mahal na Ina.

Tema ng Peñafrancia 2021 ngayong taon ang “Sharing the Gift of Faith in the Spirit of the Faithful Obedience of Mary and Joseph” na naglalayong maging huwaran ang kababaan ng loob at pananampalataya ang Mahal na Birheng Maria at ni San Jose.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 153,515 total reads

 153,515 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 226,385 total reads

 226,385 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 259,833 total reads

 259,833 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 295,132 total reads

 295,132 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 515,652 total reads

 515,652 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top