Palayain ang kalikasan sa man made disaster, panawagan ng isang opisyal ng CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 532 total reads

Iniugnay ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang paggunita sa kasarinlan ng Pilipinas sa pangangalaga sa ating inang kalikasan.

Ayon kay CBCP-Permanent Committee on Public Affairs Vice Chairman, Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao, katulad ng pakikipaglaban ng mga Filipino noong unang panahon upang makamtan ang kalayaan ng bansa, nawa’y gayundin ang mamayani ngayon upang makamtan naman ng kalikasan ang kalayaan laban sa mapanirang paraan ng pag-unlad.

Ipinaliwanag ng Obispo na sa pagtatanggol sa ating nag-iisang tahanan, nawa’y makamtan rin ng mamamayan ang pagkakaroon ng malalim na kaalaman at kamalayan hinggil sa patuloy na pangangalaga at pagpapanatili sa kalikasan.

“Sa pagdiriwang natin ng ating kasarinlan, ito ay napakagandang pagkakataon din para magkaroon tayo ng malalim na kaalaman – knowledge and awareness of the importance of God’s creation. Sana ay madagdagan ang lalim at lawak ng kaalaman ng bawat Filipino na ang nilikha ng Diyos, hindi lamang tao, kung hindi ang kalikasang nakapaligid sa atin,” ang mensahe ni Bishop Mangalinao sa panayam ng Radio Veritas.

Iginiit ni Bishop Mangalinao na ang bawat nabubuhay sa mundo ay binigyan ng Diyos ng kalayaan, hindi upang sirain ang mga likas na yamang ipinagkaloob nito sa halip mapangalagaan laban sa lubusang pagkasira nito.

“Ibig sabihin tayo ay tagapangalaga, tayo ay tagapamahala, hindi tayo Panginoon ng kapaligiran, ng kalikasan. Kapwa tayong nilikha, kapwa tayo may pananagutan. ‘Yun palang kapwa na sinasabi hindi lamang tao, kung hindi lahat ng nilikha ng Diyos na binigyan n’ya ng buhay [ay] binigyan n’ya ng karapatang umiral dito sa mundong ibabaw,” ayon sa Obispo.

Hiniling naman ng Obispo na sa patuloy na pakikipaglaban ng bawat mamamayan na maipagtanggol ang inang kalikasan, nawa’y patuloy na mamayani ang kalayaan at kapayapaan sa halip na mauwi sa kapahamakan.

Hunyo 12, 1898 nang ideklara ang Araw ng Kalayaan sa Pilipinas bilang pagtatapos ng matagal na pananakop ng mga kastila sa bansa, kasabay ng pagwagayway ng bandila sa Kawit, Cavite sa pangunguna ni General Emilio Aguinaldo.

Kaisa ang buong Simbahang Katolika sa Pilipinas sa pagdiriwang sa Araw ng Kalayaan at patuloy na ipinapanalangin ang bawat mamamayan at mga namumuno sa bansa na basbasan ng Panginoon upang matamo ang tunay na diwa ng kalayaan at kapayapaan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 147,270 total reads

 147,270 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 220,431 total reads

 220,431 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 253,879 total reads

 253,879 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 289,178 total reads

 289,178 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 509,976 total reads

 509,976 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 159,862 total reads

 159,862 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top