Tunay na kalayaan, hamon pa rin sa mga Filipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,340 total reads

Kaakibat ng kalayaan ng isang bayan ay ang kalayaan ng mamamayan na makapagpahayag ng kanilang mga saloobin sa mga nagaganap sa lipunan.

Ito ang binigyang diin ni Diocese of Legazpi Bishop Joel Baylon kaugnay pagdiriwang ng ika-123 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas.

Ayon sa Obispo na siya ring chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Prison Pastoral Care, bahagi ng tunay na kalayaan ay ang pagkakaroon ng kakayahan ng bawat mamamayan na ibahagi ang kanilang mga nadarama at mga puna na dapat tutukan at bigyang prayoridad ng mga opisyal ng pamahalaan.

“Ipakita natin sa pagdiriwang nitong kalayaan natin bilang isang bayan na tayong mga Filipino ay tunay na ngang malaya kasi pinagkakalooban tayo ng kakayahan na sabihin, na ipahayag ang ating nadarama, nasa isip hindi para manira kundi para tulungan ang mga nasa pamahalaan, ang mga may kapangyarihan, ang mga mambabatas natin na makita din naman o madinig ang tinig ng sambayanan, ng taumbayan at yun sana ang isa sa malaking regalo na maipagkakaloob sa atin sa pagdiriwang nitong kalayaan natin bilang bayang Filipino.” pahayag ni Bishop Baylon sa panayam sa Radio Veritas.

Partikular na tinukoy ng Obispo ang mga usapin ng red-tagging, insurgency at maging extra-judicial killings na nagdudulot ng takot at pangamba sa buhay ng mamamayan lalo na ng mga kritiko ng pamahalaan.

Paliwanag ni Bishop Baylon, hindi dapat na ituring na kalaban o kaaway ng pamahalaan ang mga nagpapahayag ng puna sa pamahalaan na nag-aalis ng kalayaan sa pagpapahayag ng bawat isa at nagdudulot ng takot sa pagsasabi ng katotohanan sa mga nagaganap sa lipunan.

“yung mga dinaraanan natin na mga pagsubok ngayon tungkol sa issues ng insurgency, ng red-tagging, ng extra judicial killings na lahat ito ay nagdadala ng agam-agam kung hindi man takot sa marami kaya nawawalan sila ng kalayaan na ipahayag ang kanilang sarili, natatakot na magsalita tungkol sa katotohanan kasi baka sila mapagkamalan o i-accuse ng kung anu-ano mga insurgence, mga rebelde o mga tao gustong manira ng pamahalaan na hindi naman necessarily na dahil nagsalita ka na kriniticize mo ang gobyerno mga ganun ay kaaway ka na agad ng ano [pamahalaan].” Dagdag pa ni Bishop Baylon.

Pagbabahagi ng Obispo, nananatiling isang hamon para sa bawat Filipino ang pagkamit ng tunay at ganap na kalayaan ng bayan sa kasalukuyang panahon. Giit ni Bishop Baylon, marami pa ring kawalan ng kalayaan ang nararanasan sa bayan tulad na lamang ng kawalan ng kalayaan mula sa paghihirap na higit pang pinalala ng malawakang krisis na dulot ng COVID-19 pandemic.

“It is a freedom that continues to be a challenge to us kasi alam naman natin na marami pang kawalan ng kalayaan sa bayan natin, nananatili tayong alipin dito sa pandemyang ito unang una so kawalan ng kalayaan yun, maraming mga alipin sa paghihirap at sa poverty.” Ayon kay Bishop Baylon.

Tema ng ika-123 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ngayong taon na “Kalayaan 2021: Diwa ng Kalayaan sa Pagkakaisa at Paghilom ng Bayan”.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 150,004 total reads

 150,004 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 223,032 total reads

 223,032 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 256,480 total reads

 256,480 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 291,779 total reads

 291,779 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 512,489 total reads

 512,489 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top