Hindi mananaig ang kasamaan sa paghahari ng Diyos-Bishop Pabillo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 977 total reads

Hindi dapat na mawalan ng pag-asa ang taumbayan sa kasalukuyang sitwasyon ng bayan sapagkat ang paghahari ng Diyos ay paghahari ng katarungan, kapayapaan at katotohanan.

Ito ang binibigyang diin ni Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo kaugnay sa kawalan ng pag-asa ng mamamayan dahil sa kawalan ng katarungan at pagsasamantala ng mga makapangyarihan sa bansa.

Ayon sa Obispo na siya ring chairman ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity, sa kabila ng kasinungalingan at karahasan ay tuwinang mananaig ang paghahari ng Diyos laban sa kasamaan.

“Ang paghahari ng Diyos ay ang paghahari ng katarungan, ng kapayapaan, ng katotohanan, at ng pagmamahalan. Kung titingnan natin ang ating kalagayan ngayon, madi-discourage tayo. Ang daming pagsasamantala ng makapangyarihan sa mga tao. Kalat ang pagsisinungaling kasi ang laking pera ang ginagamit para sa mga trolls. Malaki ang ginagastos sa mga armas sa paniniwala na ito ay magdadala ng kapayapaan.” pahayag ni Bishop Pabillo.

Ayon sa Obispo, sa pamamagitan ng simple at maliit na pamamaraan ay mayroong magagawa ang bawat isa upang maisulong ang paghahari ng Diyos laban sa iba’t ibang kinahaharap na suliranin ng bayan.

Pagbabahagi ni Bishop Pabillo, higit na kinakailangan ng Diyos ang pagsisikap at dalisay na layunin upang magsilbing daluyan ng kanyang kapangyarihan at pagkilos upang maitama at maisaayos ang mga nagaganap na kamalian at kasamaan.

“Naniniwala pa ba ang military natin na matatalo nila ang mga rebelde sa pamamamagitan ng armas at red-tagging? Sa ganitong malalaking problema, naiisip natin: may magagawa pa ba tayo para isulong ang kaharian ng Diyos? Saan tayo magsisimula? Magsimula tayo sa maliliit na kaya natin. Wala tayong pera, wala tayong technology, wala tayong mga highly qualified and highly paid people, pero nagsisimula ang pagkilos ng Diyos sa maliliit na pagsisikap natin, lalo na kapag ito ay nilalagay natin sa kamay ng Diyos.” Dagdag pa ni ishop Pabillo.

Giit ng Obispo, hindi dapat matakot sa kasamaan ang sinuman sapagkat kayang palaguin ng kapangyarihan ng Diyos maging ang maliliit at simpleng pagsisikap ng bawat isa na gumawa ng tama at makabubuti para sa mas nakararami.

“So while we are concerned about avoiding sin, we should be more concerned about doing whatever good we can, however small it may be. Mapapalago ito ng Diyos. Kaya huwag tayong matakot sa kasamaan at sa kapangyarihan nito.” Ayon kay Bishop Pabillo.

Partikular na tinukoy ng Obispo bilang halimbawa ang inisyatibo ng mga community pantries na umaabot sa may 6,000 sa iba’t ibang bahagi ng bansa na nagkakaloob ng tulong sa mga mamamayang nangangailangan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 154,126 total reads

 154,126 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 226,960 total reads

 226,960 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 260,408 total reads

 260,408 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 295,707 total reads

 295,707 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 516,197 total reads

 516,197 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top