Obispo, umaasang matigil na culture of impunity sa Pilipinas sa imbestigasyon ng ICC sa war on drugs ng administrasyong Duterte

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 541 total reads

Itinuring na welcome development ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang isasagawang imbestigasyon ng International Criminal Court sa madugong war on drugs ng pamahalaan.

Ito ang tugon ni Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo, chairman ng Commission on the Laity sa kahilingan ni ICC prosecutor Fatou Bensouda na buksan ang imbestigasyon sa mga paglabag ng karapatang pantao sa bansa.

Paliwanag ni Bishop Pabillo na layunin lamang nito ay mapanagot ang mga nasa likod ng pagpaslang na hindi dumaan sa wastong proseso ayon sa batas at maiwasan ang culture of impunity.

“Ang gusto lang natin maiwasan ‘yung culture of impunity na magagawa nila ang gusto nilang gawin na hindi mananagot. Kasi bahagi po ng good governance, bahagi po ng democracy ang accountability,” pahayag ni Bishop Pabillo.

Iginiit ng obispo na nais lamang ng simbahan na mabigyang katarungan ang marahas na kampanya sa iligal na droga kung saan nilalabag ang karapatang pantao ng mamamayan.

Bagamat suportado ng simbahan ang kampanya kontra ipinagbabawal na gamot nanindigan din itong dapat pairalin ang batas at dumaan sa wastong proseso ang mga sangkot na indibidwal.

Batay sa tala ng iba’t ibang human rights groups humigit kumulang sa 30-libong indibidwal na ang nasawi mula nang ipatupad ang Oplan tokhang noong 2016 na karamihan ay biktima ng extra judicial killings.

Pinuna rin ng opisyal ang pamahalaan na nanindigang hindi makipagtulungan sa imbestigasyon ng ICC.

“Nakakalungkot lang kung wala naman silang kasalanan bakit hindi sila magpa-investigate? Bakit hindi sila mag-participate?” ani Bishop Pabillo.

Matatandaang 2019 nang umalis ang Pilipinas sa Rome Statute na nagtatag ng ICC dahil sa nakaambang imbestigasyon ng korte laban sa mga pagpaslang na iniugnay sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 115,586 total reads

 115,586 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 150,263 total reads

 150,263 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 172,843 total reads

 172,843 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 209,330 total reads

 209,330 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 220,384 total reads

 220,384 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Tao, dapat pangalagaan ng simbahan at hindi AI

 3,198 total reads

 3,198 total reads Nagbabala ang isang pari na maaaring maging mas “artipisyal” ang tao kaysa sa artificial intelligence kung hindi mapangangalagaan ang kanyang pagkakakilanlan, dignidad at

Read More »
Scroll to Top