PPCRV, nagpahayag ng suporta sa COMELEC mobile registration App

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 633 total reads

Nagpahayag ng buong suporta ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa inilunsad na Mobile Registration Form App ng Commission on Elections (COMELEC) na naglalayong higit na mapabilis ang kasalukuyang voters’ registration na isinagasagwa ng kumisyon.

Ayon kay PPCRV National Trustee and Secretary Dr. Arwin Serrano, malaki ang maitutulong ng iba’t ibang mga pamamaraan upang higit na mapabilis at matiyak ang kaligtasan ng mamamayang magpaparehistro ngayong pandemya.

Inihayag ni Serrano na kaisa ng COMELEC ang PPCRV sa pagnanais na mapabilis ang proseso ng pagpaparehistro ng bagong botante.

“Fully support kami doon sa COMELEC’s initiative especially pandemic tayo so it’s good that COMELEC is also adjusting its process especially sa voters registration with regards doon sa mga paano maminimize o mamitigate itong mga health protocols natin and one of which nga yung pag-conceptualized ni Commissioner Marlon Casquejo regarding itong new voters registration concept.” pahayag ni Serrano sa panayam sa Radio Veritas.

Naniniwala naman si Serrano na dahil sa panibagong Mobile Registration Form App na inilunsad ng COMELEC ay higit na mahihikayat ang mga kabataan partikular na ang mga first time voters na magparehistro dahil sa mas mabilis at makabagong paraan ng pagpapatala.

“Yan yung nakikita ko na talagang magandang target audience din kasi yan naman talaga from the very start and even yun campaign natin before campaigns natin on voters registration ang priority talaga natin ay yung mga first time voters like yung mga youth sector kaya ito ay siguradong sigurado ko na gamay na gamay nila ito so yun yung nakikita natin na magandang target sector kung i-embrace ba ito ng mga youth.” Dagdag pa ni Serrano.

Una ng inihayag ni COMELEC Commissioner Marlon Casquejo na layunin ng Mobile Registration Form App ng COMELEC na higit na mapabilis ang proseso ng pagpaparehistro ng bagong botante.

Maaring magamit ang Mobile Registration Form App kahit walang data o internet ang isang mobile user kung saan hindi na rin kinakailangan pang i-print ang form.

Matapos na mapunan ang mga kinakailangang detalye ay magkakaroon ng QR Code ang bawat isa na kinakailangang i-save ng mga magpaparehistro at tanging kinakailangang ipakita sa mga tanggapan ng COMELEC kung saan naman kukunin ang biometrics ng bawat isa.

Dahil dito, tanging valid ID at QR Code na lamang mula sa Mobile Registration Form App ang kinakailangang dalhin ng mga magpaparehistro sa tanggapan ng COMELEC.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 88,534 total reads

 88,534 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 182,564 total reads

 182,564 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 226,832 total reads

 226,832 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 249,941 total reads

 249,941 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 321,087 total reads

 321,087 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top