WHO, nagpaalala sa side effect ng COVID 19 vaccine

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 303 total views

Muling ipinaalala ng World Health Organization ang maaaring maging side effects ng COVID-19 vaccine sa katawan ng tao kapag natanggap ang bakuna.

Ayon sa WHO, saglit lamang nararamdaman ang side effects, ngunit kapag ito’y lumala makalipas ang 24 na oras o nagpatuloy pa, agad na magpakonsulta sa doktor upang agad itong maagapan.

Maaaring maramdaman pagkatapos na mabakunahan ang pagkapagod at pananakit ng ulo, lagnat, panginginig, at pagkirot o pamamaga sa bahagi ng braso kung saan binakunahan.

Makakatulong naman upang maibsan ang mga sintomas na ito sa pag-inom ng Paracetamol, Ibuprofen, Aspirin at Antihistamines, ngunit mas makabubuting magpakonsulta muna sa eksperto bago uminom nito.

Gayunman, paulit-ulit pa ring ipinapaalala sa publiko na bagamat nabakunahan na, mahalaga pa rin ang mahigpit na pagsunod sa minimum health protocols tulad ng pagsusuot ng face mask at face shield, physical at social distancing, at paghuhugas ng kamay o paggamit ng alcohol o sanitizer bilang karagdagang proteksyon laban sa COVID-19.

Batay sa huling tala, umabot na sa halos pitong milyong doses na ng vaccine ang naipamahagi sa buong bansa, higit pang malayo sa inaasahang herd immunity na layong mabakunahan ang nasa 50-milyon hanggang 70-milyong indibidwal sa katapusan ng taon.

Patuloy namang panawagan ng pamahalaan na magpabakuna na ang lahat bilang karagdagang proteksyon laban sa COVID-19.

Nakikipagtulungan din ang Simbahang Katolika sa vaccination program ng pamahalaan sa pamamagitan ng pagpapagamit sa mga pasilidad ng mga simbahan bilang vaccination sites, gayundin ang pagsasagawa ng information dissemination hinggil sa COVID-19 vaccine upang mapaigting ang vaccine confidence ng publiko.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAG-ASA

 57,008 total views

 57,008 total views Kapanalig, tayong mga Pilipino ay patuloy na kumakapit sa Pag-asa (Hope). Nang ma-appoint si dating DOJ secretary Crispin Remulla na Ombudsman noong October

Read More »

VP Sara

 79,013 total views

 79,013 total views Kapanalig, mayroong kasabihan na walang lihim na hindi nabubunyag! Nabunyag sa pagdinig ng House Committee on Justice na dumidinig sa impeachment complaint na

Read More »

Itigil ang pagdanak ng dugo

 103,355 total views

 103,355 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 126,380 total views

 126,380 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 157,833 total views

 157,833 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top