Gawing role model si San Jose, panawagan ng Papal Nuncio to the Philippines sa mga haligi ng tahanan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 682 total reads

Inihayag ng kinatawan ni Pope Francis sa Pilipinas na makabuluhan ang pagdiriwang ng Father’s Day ngayong taon sapagkat itinalaga ang Year of Saint Joseph sa buong taon.

Sa panayam ng Radio Veritas kay Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown, hinimok nito ang mamamayan lalo na ang mga ama na gawing huwaran ang mga halimbawa ni San Jose bilang tumayong haligi sa Banal na Pamilya.

“I ask each and every one of you to meditate to St. Joseph who provided for his family, who is faithful to his family, who put his family above all else; that’s what it means to be a father; fathers must emulate St. Joseph,” pahayag ni Archbishop Brown sa Radio Veritas.

Sa Hunyo 20, 2021 ipagdiriwang sa buong daigdig ang Araw ng mga Ama bilang paggunita at pagpaparangal sa kanilang mga sakripisyo sa kani-kanilang pamilya.

Disyembre 2020 nang ideklara ni Pope Francis ang Year of St.Joseph na magtatapos sa Disyembre 8, 2021 bilang paggunita sa ika – 150 anibersaryo ng pagiging patron ng simbahang katolika.

Sinabi pa ng nuncio na mahalagang tularan ang pagiging ulirang asawa at ama ni San Jose nina Maria at Hesus na siyang tunay na halimbawa ng pagiging isang mabuting ama at haligi ng tahanan.

Samantala sa hiwalay na panayam ng himpilan sinabi ni Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo na dapat ipagdasal ang bawat ama.

“Mahalaga ang papel ng mga tatay kaya habang binabati natin sila sa Father’s Day, ipinagdarasal din natin na maging tapat sila sa kanilang tungkulin sa pamilya,” ani Bishop Pabillo.

Binigyang diin din ng obispo ang pagiging role model ni San Jose sa mga ama na kumakatawan ng Diyos Ama sa sanlibutan.

Dagdag pa ni Bishop Pabillo malaki ang tungkulin ng bawat ama ng tahanan sa pagpapalago ng buhay pamilya at katuwang ng asawa sa paggabay sa kanilang mga anak.

“Sana ngayong panahon ng pandemya makita ng mga tatay ang kahalagahan ng kanilang presensya sa pamilya, ang kanilang halimbawa sa mga anak at pakikiisa na magkatuwang ng kanyang asawa sa pagpapalago ng pamilya,” giit ni Bishop Pabillo.

Batay sa kasaysayan unang ipinagdiwang ang Father’s Day sa Amerika noong 1910 batay na rin sa pagpaparangal sa mga ina tuwing ikalawang Linggo ng Mayo.

Kapwa nagpaabot ng panalangin at pagbabasbas si Archbishop Brown at Bishop Pabillo sa lahat ng mga ama sa bansa at sa buong daigdig sa bilang pagbibigay pugay sa mahalagang araw ng mga ama.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 12,611 total reads

 12,611 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 13,803 total reads

 13,803 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 28,550 total reads

 28,550 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 65,927 total reads

 65,927 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 97,197 total reads

 97,197 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 172,602 total reads

 172,602 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 265,452 total reads

 265,452 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 12,612 total reads

 12,612 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »
Scroll to Top