Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

ECOWASTE, pinuri ang Quiapo church

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 506 total views

Pinuri ng grupong EcoWaste Coalition ang agarang pagtugon ng pamunuan ng Minor Basilica of the Black Nazarene o Quiapo Church sa panawagang tanggalin ang mga single-use plastic na banderitas sa bahagi ng simbahan bilang dekorasyon sa kapistahan ni San Juan Bautista.

Ayon kay EcoWaste Zero Waste Campaigner Jove Benosa, kampante sila na agad na tutugunan ng Quiapo Church ang kanilang panawagan na tanggalin ang nasabing mga banderitas dahil ito’y mapanganib at labag din sa panawagan ng simbahan hinggil sa pangangalaga ng kalikasan.

“When we called the Quiapo Church’s attention to the wasteful use of plastic buntings, we were confident that they would listen and they did listen. We laud Monsignor Ding Coronel, rector and parish priest, for listening to our plea against the senseless use of disposable plastic decors that only add to plastic pollution,” pahayag ni Benosa.

Paliwanag ng grupo na ang paggamit sa mga plastic labo bilang banderitas ay malaking suliranin sa kapaligiran na nagdudulot ng polusyon hindi lamang sa mga kalye, kundi lalo na sa karagatan at mga yamang-dagat.

Umaasa naman ang grupo na nawa’y ang naging pagkilos ng Quiapo Church ay makahikayat din ng mga mananampalataya na ihinto na ang paggamit sa mga single-use plastics at sa halip ay palaganapin ang paggamit sa mga reusable na bagay.

Magugunitang naglabas ng pastoral statement noong taong 2019 ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines kaugnay sa panawagan para sa ecological conversion na hinihikayat ang bawat Diyosesis sa bansa na isabuhay ang mga aral at alituntunin ng ensiklikal na Laudato Si ng Kanyang Kabanalan Francisco.

Batay naman sa inilabas na pag-aaral ng the Netherlands-based Ocean Cleanup, kabilang ang Pasig River at 18-ilog sa Pilipinas sa 50-ilog sa buong mundo na malaki ang ambag sa plastic pollution sa mga karagatan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

APAT NA DEKADA

 13,641 total views

 13,641 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Tantanan na ang mga puno!

 81,129 total views

 81,129 total views Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno! Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol

Read More »

Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

 102,194 total views

 102,194 total views Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan.

Read More »

Maging instrumento ng katotohanan

 124,856 total views

 124,856 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »

A WAY TO LATE?

 161,565 total views

 161,565 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top