Archdiocese of Jaro, hiniling ang tulong ng IATF

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 731 total reads

Humiling ng tulong ang Archdiocese of Jaro sa national government para masugpo ang mabilis na pagkalat ng coronavirus sa lugar.

Sa liham ni Archbishop Jose Romeo Lazo na ipinadala kay IATF Chairman at Department of Health Secretary Francisco Duque III at Vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr inilahad ng arsobispo ang malaking kakulangan sa manpower at medical supplies sa lalawigan para tugunan ang tumataas na kaso ng mga nahawaan ng COVID-19.

“We are asking your good offices for support – nurses, COVID medicines, beds, ventilators and vaccines. The hospitals are hitting maximum capacity and the health care related debts are swelling,” bahagi ng liham ni Archbishop Lazo.

Kinilala ng arsobispo ang mahalagang papel na ginagampanan ng mga opisyal ng pamahalaan sa pagtugon sa pandaigdigang krisis pangkalusugan kaya’t pinasalamatan nito ang pagsusumikap na mawakasan ang pandemya at matugunan ang pangangailangan ng mamamayan.

Sa monitoring ng Iloilo City Government nasa 3, 535 ang kabuuang kaso ng nahawaan ng COVID-19 sa lungsod kung saan 1, 765 ang aktibong habang 79 ang nasawi.

Naniniwala si Archbishop Lazo na malaki ang maitutulong ng mga tanggapan ng national government lalo na nina Duque at Galvez para mapigilan ang higit na pinsala dulot ng virus sa mamamayan.

“In your respective posts of public duty, many things can be done and great difference can be made for our brothers and sisters who are struggling in the hospitals as of this writing. We knock at heaven’s door for mercy and help,” ani Archbishop Lazo.

Sakop ng arkidiyosesis ang Iloilo City, lalawigan ng Iloilo at Guimaras kung saan nasa 2.2 milyon ang bilang ng mga katoliko o katumbas sa mahigit 80 porsyento sa 2.7 milyong populasyon.

Nang magsimula ang pandemya noong 2020, puspusan na ang pagkilos ng arkidiyosesis sa pangunguna ng social action center para tulungan ang mga labis naapektuhan ng iba’t ibang antas ng community quarantine.

Pinasalamatan naman ni Iloilo City Mayor Jerry Trenas si Archbishop Lazo at ang pamunuan ng arkidiyosesis na aktibong nakikiisa sa kampanyang sugpuin ang paglaganap ng virus sa kanilang lugar.

Patuloy ang panawagan ng arsobispo sa mananampalataya na higit kumapit sa pag-asang hatid ng Panginoong Hesus sa bawat isa at patuloy na manalangin para sa kaligtasan ng mamamayan sa banta ng COVID-19.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 85,847 total reads

 85,847 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 179,889 total reads

 179,889 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 224,157 total reads

 224,157 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 247,266 total reads

 247,266 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 318,536 total reads

 318,536 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top