Pagpuputong mg corona sa Our Lady of Good Voyage, sinariwa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 648 total reads

Inihayag ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na labis ang paggabay ng Mahal na Birhen sa pananampalataya ng sangkatauhan.

Ayon kay Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo, chairman ng CBCP Episcopal Commission on the Laity, isang magandang huwaran ng malalim na pananampalataya ang Mahal na Ina na unang sumunod sa kalooban ng Panginoon.

Ito ang pagninilay ng obispo sa ginanap na pagsariwa sa pagpuputong ng korona sa Our Lady of Peace and Good Voyage na ginanap sa Manila Cathedral nitong Hunyo 18, 2021.

“The reenactment of the coronation is an important sign of our devotion to the Our Lady of Antipolo; mahalaga ang ginagampanan ng Birheng Maria sapagkat pinupukaw niya ang ating pananampalataya sa Diyos,” ang bahagi ng pagninilay ni Bishop Pabillo.

Binigyang diin ng opisyal na malaki ang ginagampanang tungkulin ni Maria sa buhay ni Hesus mula sa pagsilang hanggang sa muling pagkabuhay nito na naghahatid ng pag-asang kaligtasan sa sanlibutan.

Nilinaw ni Bishop Pabillo na ang mga imahe ng simbahan ay paalala lamang sa bawat isa sa kabanalan at mabuting halimbawa na dapat tularan at isabuhay.

“Ang mga images sa ating simbahan tulad ng Mahal na Birhen ay pumupukaw sa ating pananampalataya, they inspired us; subalit ang mga kaloob ay nagmumula sa Diyos sa pamamagitan ng ating mga pagdarasal kasama ang mga banal,” giit ni Bishop Pabillo.

Batay sa kasaysayan dumating ang imahe ng Birhen ng Antipolo sa Pilipinas noong 1626 dala ng mga misyonero habang ginawaran ng canonical coronation noong 1926 o 95 taon ang nakalilipas.

Pinararangalan at kinilala ng mananampalatayang Filipino ang papel ni Maria sa pag-usbong ng kristiyanismo sa bansa sa nakalipas na 500 taon dahil sa patuloy na paggabay at paglapit ng sangkatauhan kay Hesus.

Hamon ni Bishop Pabillo sa bawat isa na tularan at isabuhay ang mga halimbawa ni Maria na buong puso at kababaang loob na tinanggap ang kalooban ng Ama.

Ang Pilipinas ay tinaguriang Pueblo Amante de Maria dahil sa masidhing pamimintuho ng mga Filipino sa Mahal na Birhen bilang masintahing ina ni Hesus at ng sanlibutan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 80,424 total reads

 80,424 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 174,936 total reads

 174,936 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 219,204 total reads

 219,204 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 242,313 total reads

 242,313 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 313,804 total reads

 313,804 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top