Bishop Alminaza, humiling ng panalangin

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 716 total reads

Humihiling ng panalangin si San Carlos, Negros Occidental Bishop Gerardo Alminaza para sa kanyang agarang paggaling matapos itong magpositibo sa coronavirus disease.

Ayon kay Bishop Alminaza, maaaring nakuha niya ito sa pagpunta sa iba’t ibang lugar para maghandog ng panalangin sa mga mananampalataya upang maipadama ang pagpapala ng Diyos kahit na patuloy ang pag-iral ng pandemya.

Binigyang diin ng Obispo na wala siyang pinagsisisihan sa kanyang pagkakahawa sa virus, bagkus ay tinitingnan niya ito bilang biyaya mula sa Diyos.

“Everything is a gift and providence! I took risks blessing people who would like to feel God’s tenderness and closeness to them. No regret! Now I have this rare and precious opportunity to see the other side of those we minister to,” bahagi ng pahayag ni Bishop Alminaza sa panayam ng Radio Veritas.

Hinihikayat din ni Bishop Alminaza ang lahat na ipanalangin din ang mga pasyenteng positibo rin sa COVID-19 na nawa’y makamtan ang lubusang kagalingan at matamo ang walang hanggang pagpapala ng Panginoon.

Gayundin ang kaligtasan ng mga frontliners na araw-araw ding humaharap sa mga pagsubok upang mabigyan ng karampatang lunas ang mga apektadong pasyente.

“I ask for everyone’s prayers for my fast healing as for other COVID-19 patients even as I assure you too of my constant prayers and offerings my prayers for our frontliners have now become more heartfelt!” ayon kay Bishop Alminaza.

Hunyo 20, 2021 nang lumabas sa resulta ng swab test ni Bishop Alminaza na nagpositibo ito sa COVID-19.

Samantala, hahali muna si San Carlos Vicar General Monsignor Erwin Magnanao sa mga tungkulin ng Obispo habang ito’y kasalukuyang nagpapagaling.

Bukod kay Bishop Alminaza, pitong Obispo pa sa bansa ang nahawaan ng coronavirus kabilang na sina Cardinal Luis Antonio Tagle, Bishop Broderick Pabillo, Bishop David William Antonio, Bishop Deogracias Iñiguez at Archbishop Jose Palma, habang nasawi naman sina Archbishop Oscar Cruz at Bishop Manuel Sobreviñas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 73,994 total reads

 73,994 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 169,144 total reads

 169,144 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 213,412 total reads

 213,412 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 236,521 total reads

 236,521 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 308,335 total reads

 308,335 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 146,600 total reads

 146,600 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top