Cardinal Advincula pinangunahan ang tree planting sa Capiz.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 588 total reads

Umaasa si Manila Archbishop Elect Jose Cardinal Advincula na sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga puno ay unti-unti nitong matulungang mapanatili ang ating nag-iisang tahanan.

Kaugnay ito sa ginanap na tree planting activity noong ika-21 ng Hunyo sa Arkidiyosesis ng Capiz sa pangunguna mismo ni Cardinal Advincula bilang paglulunsad sa Cardinal Jose Advincula Grove of Philippine Native Trees.

Katuwang sa nasabing proyekto ang Pamahalaang Panlalawigan ng Capiz sa pamamagitan ng Capiz Provincial Environment and Natural Resources Office (CaPENRO) at Capiz Archdiocesan Social Action Commission (CASAC).

Isinagawa ang tree-planting activity sa Archbishop’s Residence sa Lawaan, Roxas City, Capiz, kung saan itinanim dito ang nasa 45 native trees na sumisimbolo sa ika-45 taon ng paglilingkod ni Cardinal Advincula.

Pangarap ni Cardinal Advincula, na isa ring makakalikasan at dalubhasa sa iba’t ibang uri ng punong-kahoy na magkaroon ng hardin na nakalaan para sa mga puno.

Layunin ng proyektong ito na maipalaganap ang aral na nakasaad sa Laudato Si ng Kanyang Kabanalan Francisco hinggil sa pangangalaga sa ating nag-iisang tahanan.

Pinasalamatan naman ng Cardinal ang CaPENRO dahil naisakatuparan ang nasabing proyekto na makatutulong upang mapanumbalik at mapanatili ang sigla ng inang kalikasan.

Samantala, dumating na sa Maynila si Cardinal Advincula, dalawang araw bago ang pagtatalaga sa kanya bilang ika-33 Arsobispo ng Maynila.

Ngayong Hunyo 24, 2021, gaganapin ang pagtatalaga kay Cardinal Advincula na isasagawa sa Minor Basilica of the Immaculate Concepcion o Manila Cathedral.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 66,290 total reads

 66,290 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 162,099 total reads

 162,099 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 206,367 total reads

 206,367 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 229,476 total reads

 229,476 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 301,618 total reads

 301,618 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 146,311 total reads

 146,311 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top