Sa Panahon ng Pandemya, ang mga Bata ang Naiiwanan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 402 total views

Sa buong mundo, mas dumami pa ang mga batang nakakaranas ng multi-dimensional poverty – umabot na ng 1.2 billion bunsod ng pandemya. Ito ay 15 percent ang taas magmula sa pagsibol ng pandemya noong nakaraang taon. Ayon sa UNICEF at Save the Children, mga 45% ng mga bata ang hindi naka-access ng edukasyon, healthcare, housing, nutrition, sanitation and water sa mahigit pa sa pitongpung bansa.

Kapanalig, ang sektor ng kabataan sa ating bansa ay lagi ding bulnerable. Ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority, 31.4 percent ng mga kabataan ay kabilang sa mga maralitang pamilya. Kailangan nating mabantayan ang kanilang sitwasyon.

Ang online learning – kapanalig, ay isang isyu na kailangan nating ma-monitor. Ang digital divide ay isang katotohanang kailangan nating harapin. Hindi lahat ng bata ay may access sa internet at gadgets na kailangan upang makasabay sila sa mga kapwa nila mag-aaaral. Ang modular mode ay isang paraan upang matuto pa rin ang mga bata, ngunit kailangan nating isa-alang alang na napabilis ng pandemya ang shift ng buong mundo sa teknolohiya. Kung hindi natin masisimulan ang pag-gamit ng teknolohiya sa mga batang maralita, mapapag-iwanan naman sila.

Ang nutrisyon din ng maraming bata sa ating bayan ay pihadong naging mas malala ngayong pandemya. Bago pa man dumating ang COVID-19, stunted o maliit para sa kanyang edad ang isa sa tatlong batang may edad lima pababa sa ating bayan. Isa din sa tatlong batang edad 12 months hanggang 23 months ay may anaemia. At dahil nga umabot sa  record high na 7.6 milyong pamilya ang nagutom nitong setyembre ng nakaraang taon, maraming bata ang pihadong naghirap.

Kapanalig, sa anumang krisis, ang bata ang laging higit na naghihirap. Wala silang kapangyarihan o lakas – sila ay umaasa lamang sa mga nakakatanda para sa kanilang survival. Kaya nga’t katungkulan nating gawin ang lahat upang mabuhay sila na nakakamtan ang kanilang mga  batayang karapatan – gaya ng access sa edukasyon at kalusugan.

Ayon sa Mater et Magistra, obligasyon ng estado na gamitin ang lahat ng kanyang kapangyarihan upang masiguro ang karapatan ng mga bulnerableng miyembro ng lipunan, gaya ng mga bata. Ang sitwasyon ng mga bata ngayon ay nagbabadyang krisis din sa kalaunan para sa ating bayan. Anong kinabukasan ang kanilang kahihinatnan kung ang kanilang kasalukuyan ay puno ng gutom at kawalan? Kapanalig, huwag natin iwanan ang mga kabataan.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NUMBER’S GAME

 30,747 total views

 30,747 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 36,876 total views

 36,876 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 67,018 total views

 67,018 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 87,075 total views

 87,075 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Hindi lang ‘for the content’

 106,919 total views

 106,919 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

NUMBER’S GAME

 30,748 total views

 30,748 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 36,877 total views

 36,877 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 67,019 total views

 67,019 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 87,076 total views

 87,076 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »
Scroll to Top