Isabuhay at ipakaganap ang pananampalata-Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 460 total views

Inihayag ni Manila Archbishop Cardinal Jose Advincula na mahalagang isabuhay at ipalaganap ang pananampalataya.

Ito ang pagninilay ng arsobispo sa misang ginanap sa St. John the Baptist Parish sa San Juan City sa kapistahan ni San Juan Bautista nitong Hunyo 24.

Binigyang diin ni Cardinal Advincula ang tema ng pagdiriwang na ‘Dakilang San Juan at San Jose: Kalakbay ng mga Pilipino upang Isabuhay at Ibahagi ang Pananampalataya sa Mundo’.

Paliwanag ng Cardinal na ito ay akma sa paksang ‘Gifted to Give’ sa pagdiriwang ng 500 Years of Christianity ng bansa kung saan hamon sa bawat binyagan ang ipamahagi ang mabuting balita at makiisa sa misyon ni Hesus.

“To live and share the faith that we receive are two essential tasks for Christians today,” bahagi ng pagninilay ni Cardinal Advincula.

Sinabi pa ng pinunong pastol ng arkidiyosesis na mahalagang tandaan ng bawat mananampalataya na ‘essential’ sa buhay kristiyano ang Banal na Eukaristiya, ang sambayanan ng Diyos, ang Salita ng Diyos at higit sa lahat ang pananampalataya sa Panginoon.

Tinuran ng arsobispo ang dakilang gawain ni San Juan at San Jose bilang malalapit na tao kay Hesus kung saan tauspusong tinanggap ang kalooban ng Panginoon na maging katuwang sa misyon sa sanlibutan.

Samantala, labis naman ang pasasalamat ni Msgr. Vicente Bauson, ang kura paroko ng St. John the Baptist Parish kay Cardinal Advincula sapagkat ito ang kauna-unahang parokya na binisita ng Cardinal makaraang italagang ika -33 arsobispo ng Maynila.

“We are honored, privilege and somehow silently feel proud that you have come to say and share the Eucharist with us; your first outside of the Cathedral of Manila and the first time that you said mass in one of the parishes in the archdiocese,” bahagi ng mensahe pasasalamat ni Msgr. Bauson.

Bagamat kanselado ang tradisyong ‘Wattah Wattah Festival’ ng San Juan malugod namang dumalo sa misa ang mananampalataya kabilang na si San Juan City Mayor Francis Zamora.

Mahigpit na ipinatupad sa simbahan ang safety protocol tulad ng pagsusuot ng facemask, faceshield at pananatili ng physical distancing ng mga nagsisimba sa 50 porsyentong kapasidad ng simbahan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NUMBER’S GAME

 31,373 total views

 31,373 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 37,502 total views

 37,502 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 67,644 total views

 67,644 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 87,672 total views

 87,672 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Hindi lang ‘for the content’

 107,469 total views

 107,469 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top