Sa Panahon ng Pandemya, ang mga Bata ang Naiiwanan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 551 total reads

Sa buong mundo, mas dumami pa ang mga batang nakakaranas ng multi-dimensional poverty – umabot na ng 1.2 billion bunsod ng pandemya. Ito ay 15 percent ang taas magmula sa pagsibol ng pandemya noong nakaraang taon. Ayon sa UNICEF at Save the Children, mga 45% ng mga bata ang hindi naka-access ng edukasyon, healthcare, housing, nutrition, sanitation and water sa mahigit pa sa pitongpung bansa.

Kapanalig, ang sektor ng kabataan sa ating bansa ay lagi ding bulnerable. Ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority, 31.4 percent ng mga kabataan ay kabilang sa mga maralitang pamilya. Kailangan nating mabantayan ang kanilang sitwasyon.

Ang online learning – kapanalig, ay isang isyu na kailangan nating ma-monitor. Ang digital divide ay isang katotohanang kailangan nating harapin. Hindi lahat ng bata ay may access sa internet at gadgets na kailangan upang makasabay sila sa mga kapwa nila mag-aaaral. Ang modular mode ay isang paraan upang matuto pa rin ang mga bata, ngunit kailangan nating isa-alang alang na napabilis ng pandemya ang shift ng buong mundo sa teknolohiya. Kung hindi natin masisimulan ang pag-gamit ng teknolohiya sa mga batang maralita, mapapag-iwanan naman sila.

Ang nutrisyon din ng maraming bata sa ating bayan ay pihadong naging mas malala ngayong pandemya. Bago pa man dumating ang COVID-19, stunted o maliit para sa kanyang edad ang isa sa tatlong batang may edad lima pababa sa ating bayan. Isa din sa tatlong batang edad 12 months hanggang 23 months ay may anaemia. At dahil nga umabot sa  record high na 7.6 milyong pamilya ang nagutom nitong setyembre ng nakaraang taon, maraming bata ang pihadong naghirap.

Kapanalig, sa anumang krisis, ang bata ang laging higit na naghihirap. Wala silang kapangyarihan o lakas – sila ay umaasa lamang sa mga nakakatanda para sa kanilang survival. Kaya nga’t katungkulan nating gawin ang lahat upang mabuhay sila na nakakamtan ang kanilang mga  batayang karapatan – gaya ng access sa edukasyon at kalusugan.

Ayon sa Mater et Magistra, obligasyon ng estado na gamitin ang lahat ng kanyang kapangyarihan upang masiguro ang karapatan ng mga bulnerableng miyembro ng lipunan, gaya ng mga bata. Ang sitwasyon ng mga bata ngayon ay nagbabadyang krisis din sa kalaunan para sa ating bayan. Anong kinabukasan ang kanilang kahihinatnan kung ang kanilang kasalukuyan ay puno ng gutom at kawalan? Kapanalig, huwag natin iwanan ang mga kabataan.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 187,488 total reads

 187,488 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 216,033 total reads

 216,033 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 250,155 total reads

 250,155 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 306,559 total reads

 306,559 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

LEADERSHIP PROBLEM

 187,489 total reads

 187,489 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 216,034 total reads

 216,034 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 250,156 total reads

 250,156 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 306,560 total reads

 306,560 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »
Scroll to Top