Buwan ng Hulyo, inilaan ng Diocese of San Pablo na Jubilee month for the Elderly

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 607 total views

Inilaan ng Diocese of San Pablo sa lalawigan ng Laguna ang buwan ng Hulyo bilang Jubilee Month for the Elderly sa diyosesis.

Ayon kay Rev. Fr. Manny Labing – Director ng mga samahan ng Apostolado ng Panalangin sa diyosesis, ang deklarasyon ng Hubilehiyo para sa mga lolo, lola at mga nakatatanda ay bahagi ng patuloy na lokal na pagdiriwang ng Diyosesis ng San Pablo sa ika-500
anibersaryo ng pagdating ng pananampalatayang Kristiyano sa Pilipinas.

Paliwanag ng Pari ang Jubilee Month for the Elderly ay isang paraan ng pagkilala sa mahalagang papel na ginagampanan ng mga lolo, lola at mga nakatatanda sa higit na pagpapalago at pagpapalalim ng pananampalatayang Kristiyano.

“Isang malaking dahilan ang pagpapatuloy ng pananampalataya sa ating tahanan, sa ating pamayanan, at sa lokal na Simbahan ang mga ginampanan ng mga lolo, lola, at ng mga nakatatanda. Kaya naman sa pagpapatuloy rin ng pagdiriwang ng 500 years of Christianity dito sa ating diyosesis itinalaga ang month of July bilang Jubilee for the Elderly.”pahayag ni Fr. Labing.

Kabilang sa mga nakahanay na gawain ay ang pagdarasal ng buong diyosesis ng Nobenaryo para sa Kapistahan nina San Joaquin at Santa Ana bilang patron ng mga lolo, lola at nakatatanda mula ika-17 hanggang ika-25 ng Hulyo at pagbabahagi ng mga pagninilay sa kahalagahan ng mga lolo’t lola at mga nakatatanda sa pagpupunla ng Kristiyanong pananampalataya at pag-uugali sa mga pamilya.

Kasabay naman ng idineklarang First World Day of Grandparents and the Elderly ni Pope Francis sa ika-25 ng Hulyo na Kapistahan nina San Joaquin at Santa Ana ay maggagawad ang diyosesis ng parochial and virtual Blessing for the Elderly.

Ayon kay Fr. Maning, “Ang rurok ng pagdiriwang ng Jubilee Month for the Elderly ay ang Diocesan Recognition ng mga mananampalataya.

Kabilang sa mga maaring mabigyan ng pagkilala na makatatanggap ng certificate at 500 YOC commemorative medal mula sa diyosesis ay ang mga 60-taong gulang pataas na nakapaglingkod sa Simbahan sa loob ng 25-taon o higit pa.

Pangangasiwaan naman ng mga miyembro ng Apostolado ng Panalangin kasama ang mga Parish Pastoral Council ng bawat parokya ang profiling ng mga awardees mula sa iba’t ibang parokya.

Sa buong buwan din ng Hulyo ay itatampok ng diyosesis ang mga promotional videos ng mga Homes for the Aged na matatagpuan sa Diyosesis ng San Pablo sa pamamagitan official facebook page ng diyosesis na ‘500 Years of Christianity – Diocese of San Pablo’.

May apat na Home for the Aged sa diyosesis na kinabibilangan ng Nazareth Bahay Pagibig sa San Pablo, Bahay ni Maria Home for the Abandoned Elderly and Children with Special Needs sa Calamba, Mary Mother of Mercy Home for the Elderly and Abandoned Foundation sa San Pedro, at Divine Mercy Home for the Elderly sa Silangan, Calamba.

Una ng binigyang pagkilala ng Diocese of San Pablo ang mga relihiyoso at relihiyosa na nagtalaga ng kanilang sarili sa pagliingkod sa Simbahan sa pamamagitan ng pagdideklara ng Jubilee Month for Religious Men and Women sa diyosesis noong buwan ng Hunyo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang fourth estate

 118,532 total views

 118,532 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 162,140 total views

 162,140 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 243,653 total views

 243,653 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 250,770 total views

 250,770 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top