Installation ni Bishop Pabillo bilang Apostolic Vicar ng Taytay Palawan, itinakda sa ika-19 ng Agosto

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 545 total reads

Ibinahagi ng Apostolic Vicariate ng Taytay, Palawan na itinakda sa Agosto 19, 2021 ang pagtatalaga kay Bishop Broderick Pabillo bilang bagong pinuno ng bikaryato.

Sa panayam ng Radio Veritas kay Fr. Rey Aguanta, ang kasalukuyang tagapangasiwa ng Apostolic Vicariate, sinabi nitong patuloy ang paghahanda ng bikaryato lalo’t marami ang kinokonsidera dahil sa kasalukuyang sitwasyon bunsod ng COVID-19 pandemic.

“Nagmi-meeting pa rin kami mga pari pero ang baseline po natin sa August 19 ang installation sa St. Joseph Cathedral,” bahagi ng pahayag ni Fr. Aguanta sa Radio Veritas.

Ayon pa sa pari, patuloy ang kanilang koordinasyon sa lokal na pamahalaan para paghandaan ang pagdating ng mga panauhin na nais makiisa at dumalo sa pagtatalaga kay Bishop Pabillo.

Alas nuwebe ng umaga sa August 19 ang inisyal na napagkausunduang petsa at oras ng pagtatalaga sa St. Joseph the Worker Cathedral sa Taytay Palawan.

Sa hiwalay na panayam ng himpilam kay Bishop Pabillo, ibinahagi nitong sa ikalawang linggo ng Agosto ay tutungo na ito sa Palawan upang paghandaan at makipagkita sa mga pari ng bikaryato.

Tiniyak naman ng Apostolic Vicariate ang mahigpit na pagsunod sa mga safety health protocol upang mapanatili ang kaligtasang pangkalusugan ng mga dadalo sa pagluklok ng bagong obispo ng Taytay Palawan.

Matatandaang Hunyo 29 kasabay ng pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan nina Apostol San Pedro at San Pablo at pagdiriwang ng Popes Day ay inanunsyo ni Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown ang appointment ni Bishop Pabillo bilang Apostolic Vicar ng Taytay Palawan na sede vacante mula pa noong 2018.

Bukod kay Bishop Pabillo, itinalaga rin si Msgr. Noel Pedregosa bilang Obispo naman ng Malaybalay.

Sa kasalukuyan apat pa rin ang bakante sa bansa ang Archdiocese ng Capiz, Diocese ng Alaminos, Apostolic Vicariate ng San Jose Mindoro at Apostolic Vicariate ng Calapan na pansamantalang pinangasiwaan ni Fr. Nestor Adalia mula pa noong 2018 dahil sa karamdaman ni Bishop Warlito Cajandig.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO GINASTOS ANG PERA

 38,838 total reads

 38,838 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 144,648 total reads

 144,648 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 181,435 total reads

 181,435 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 212,011 total reads

 212,011 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 258,880 total reads

 258,880 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top