Pope Francis, nagpapasalamat sa mga nagdarasal sa kanyang mabilis na paggaling

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 587 total reads

Nagpasalamat ang Kanyang Kabanalan Francisco sa mga nagpaabot ng panalangin para sa kanyang agarang paggaling. Ito ang ibinahagi ni Vatican spokesman Matteo Bruni makalipas ang tatlong araw mula nang ma-ospital ang Santo Papa dahil sa opera sa colon.

“Pope Francis is touched by the many messages and the affection received in these days, and expresses his gratitude for the closeness and prayer,” bahagi ng pahayag ni Bruni.

Ibinahagi pa ng tagapagsalita na nasa maayos na kalagayan si Pope Francis at kasalukuyang nagpapagaling sa Gemelli University Hospital sa Roma.

Sinabi pa ni Bruni na maayos na ring nakakain ang Santo Papa habang pansamantalang ipinagpaliban ang infusion therapy.

Inopera ang pinunong pastol ng simbahan sa colon noong Hulyo 4 dulot ng diverticulitis kung saan tumagal ng tatlong oras ang pag-opera kabilang na ang hemicolectomy o ang pagtanggal sa isang bahagi ng colon.

Ibinahagi pa ni Bruni sa publiko na kumpirmadong ‘severe diverticular stenosis with signs of sclerosing diverticulitis’ ang resulta sa final histological examination.

Ito ang kauna-unahang major operation ni Pope Francis sa loob ng walong taong paninilbihan bilang punong pastol ng simbahan maliban sa cataract operation noong 2019.

Nagpaabot naman ng panalangin ang mga lider ng iba’t ibang pananampalataya, grupo at denominasyon kabilang na si Pope Emeritus Benedict XVI sa dagliang paggaling ni Pope Francis mula sa karamdaman. Inaasahang mananatili pa ng pitong araw ang Santo Papa sa pagamutan para tuluyang gumaling.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 74,615 total reads

 74,615 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 115,174 total reads

 115,174 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 138,691 total reads

 138,691 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 186,959 total reads

 186,959 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 206,153 total reads

 206,153 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top