Bishop David, nahalal na pangulo ng CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 566 total reads

Nahalal si Caloocan Bishop Pablo Virgilio David bilang pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.

Napiling bagong pangulo ng CBCP si Bishop David nitong Hulyo 8 sa unang araw ng virtual plenary assembly ng mga obispo sa bansa.

Si Bishop David ang kasalukuyang vice president ng CBCP na nanilbihan ng apat na taon o dalawang termino.

Kilala ang obispo bilang ‘bible scholar’ ng bansa kung saan pinamunuan na rin nito ang Biblical Apostolate Commission ng CBCP at aktibo sa pagsusulong ng mga programa sa munting pamayanan sa kanyang diocese kabilang na ang pagtatatag ng mga mission stations.

Taong 2006 nang italaga si Bishop David bilang katuwang na obispo ng Archdiocese of San Fernando Pampanga habang 2016 nang maitalagang pinunong pastol ng Kalookan.

Aktibo ang obispo sa pagtataguyod sa dignidad ng mamamayan at pagtatanggol sa karapatang pantao lalo na sa gitna ng madugong war on drugs ng kasalukuyang administrasyon.

Si Bishop David ay isa rin sa limang obispo na dumalo sa Synod of Bishops on the Word of God na ginanap sa Vatican noong 2008.

Regular ding mapakikinggan ang obispo sa Radio Veritas sa kanyang monthly pastoral visit on the air sa programang Barangay Simbayanan. Samantala, hinirang naman na Vice President ng CBCP si Pasig Bishop Mylo Hubert Vergara na kasalukuyang kasapi ng CBCP Permanent Council.

Si Bishop Vergara ay naging pangulo ng Radio Veritas 846 noong 2002 hanggang 2005 bago italagang obispo ng San Jose Nueva Ecija. 2011 naman ng hirangin si Bishop Vergara bilang obispo ng Pasig.

Ang mga bagong opisyal ng CBCP ay pormal na maglilingkod sa Disyembre 1, 2021 at mamumuno sa susunod na dalawang taon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 78,037 total reads

 78,037 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 118,596 total reads

 118,596 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 141,764 total reads

 141,764 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 190,032 total reads

 190,032 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 209,072 total reads

 209,072 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top