Ika-20 ng Hulyo, idineklarang Day of Prayer and Fasting for Deliverance ng Diocese of Borongan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 603 total reads

Idineklara ng Diocese of Borongan ang ika-20 ng Hulyo, 2021 bilang Diocesan Day of Prayer and Fasting for Deliverance from the COVID-19 Pandemic.

Ayon kay Borongan Bishop Crispin Varquez, sa gitna ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 partikular na sa probinsya ay higit na dapat manalangin at manalig ang bawat isa sa pangakong kaligtasan ng Panginoon.

“Our current situation now – when many lives have been lost and many continue to suffer because of the Covid-19 pandemic – calls us as a Church to express our faith more earnestly through ardent prayers and sacrifice. The rise of the Covid-19 cases recently in our province is very alarming.” Ang bahagi ng anunsyo ni Bishop Varquez.

Sinabi ng Obispo na mahalaga ang pakikibahagi ng bawat Katoliko sa buong diyosesis sa ika-20 ng Hulyo na idineklara bilang “Adlaw hin Pag-ampo ug Pagpuasa”.

Inaanyayahan ang bawat isa na sama-samang mag-alay ng panalangin at mag-ayuno upang higit na maipaabot sa Panginoon ang pagsusumamo na mawakasan na ang COVID-19 pandemic.

Bukod sa pagsasagawa ng simultaneous Holy Hour at Holy Mass sa lahat ng mga parokya sa buong diyosesis, pangungunahan rin ni Bishop Varquez ang Penitential Walk ng mga Pari sa Borongan at pagdarasal ng Santo Rosaryo mula Borongan Cathedral hanggang sa Chaplaincy of Our Lady of the Miraculous Medal sa Sabang, Borongan.

“I, therefore, declare July 20, 2021 as “Adlaw hin Pag-ampo ug Pagpuasa.” I admonish all Catholics in our diocese to offer this day for prayer and fasting. Let us ask God for deliverance from this pandemic. In the whole diocese, let there be simultaneous celebrations of the Holy Hour and Holy Mass. Meanwhile, together with some priests in Borongan, I will hold a Penitential Walk and Recitation of the Holy Rosary from the Borongan Cathedral to the Chaplaincy of Our Lady of the Miraculous Medal in Sabang, Borongan.” Dagdag pa ni Bishop Varquez.

Pagbabahagi ng Obispo, bukod sa pananalangin para sa kaligtasan ng lahat at tuluyang mawakasan ang pandemya ay mahalaga rin ang pag-aayuno bilang pakikibahagi sa lahat ng mga nawalan ng mahal sa buhay at nagdurusa dahil sa malawak na krisis na dulot ng COVID-19 pandemic.

“Our fasting from food will be our expression of solidarity with those who lost their loved ones and those who continue to suffer due to the disease and the quarantine restrictions. It will also be our expression of prayer for the safety of all our frontliners.” Ayon pa kay Bishop Varquez.

Umaasa rin ang Obispo na makatulong ang nakatakdang Diocesan Day of Prayer and Fasting for Deliverance from the COVID-19 Pandemic sa diyosesis upang magkaroon ng pag-asa at lakas ng loob ang bawat isa na harapin ang krisis.

Matatandang una ng nagsagawa ng Day of Prayer, Fasting and Penitential Service ang Archdiocese of Manila noong June 1, 2021 bilang patuloy na paghingi ng gabay sa Panginoon mula sa iba’t ibang hamong kinakaharap ng lipunan.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 18,692 total reads

 18,692 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 19,386 total reads

 19,386 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 37,054 total reads

 37,054 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 74,432 total reads

 74,432 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 105,700 total reads

 105,700 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 180,608 total reads

 180,608 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 272,987 total reads

 272,987 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 26,775 total reads

 26,775 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top