Panalangin at suporta sa mga misyunero, hiling ng CBCP-ECM

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 676 total views

Humiling ng suporta at panalangin ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines para sa lahat ng misyonerong Filipino.

Ayon kay Puerto Princesa Bishop Socrates Mesiona, Chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Mission, mahalagang ipanalangin ang mga misyonero na nagpapatuloy sa gawaing ipalaganap ang Mabuting Balita ng Panginoon hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibayong dagat.

Iginiit ng Obispo na magandang pagkakataon na alalahanin ang mga misyonero sa pagdiriwang ng bansa ng 500 Years of Christianity.

“Suportahan natin ang Mission Society of the Philippines (MSP) at lahat ng Filipino missionaries working, we can also remember, pray, encourage and support them especially that we are celebrating the 500 YOC because they are the concrete expression of the gift that we would like to share; sila talaga yung nag-alay ng kanilang buhay para ibahagi ang pananampalataya,” pahayag ni Bishop Mesiona sa panayam ng Radio Veritas.

Ang MSP na local missionary arm ng Simbahan ay itinatag ng Kalipunan ng mga Obispo noong 1965 kasabay ng pagdiriwang ng ika – 400 taon ng Kristiyanismo sa bansa bilang pasasalamat ng Simbahan sa biyaya ng pananampalatayang tinanggap.

Tema ng Fil-Mission Sunday na ipagdiriwang ngayong Hulyo 25, 2021 ay ‘Gifted to Give’ hango sa paksa ng Missio Ad Gentes sa ikalimang sentenaryo ng Kristiyanismo ng bansa.

Binigyang-diin ni Bishop Mesiona na sa kabila ng krisis na kinakaharap ng lipunan ay natatanging pagkakataon din ang paglingap sa mga misyonero at pagtulong sa kanilang misyon.

“It is an opportune time also to remember them in this special day allotted for the Filipino missionaries,” giit ni Bishop Mesiona.

Hinimok din ng opisyal ang mamamayan na ipanalangin ang mas maraming bokasyon ng pagpapari, pagmamadre at maging mga laykong misyonero na handang makibahagi sa pagmimisyon.

Una nang kinilala ni Pope Francis ang mga misyonerong Filipino sa ibayong dagat kabilang na ang mga Overseas Filipino Workers na nagpapalaganap ng Mabuting Balita at aral ng Panginoon sa kabila ng mga balakid na kinakaharap.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 91,459 total views

 91,459 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 121,682 total views

 121,682 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 148,331 total views

 148,331 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 243,304 total views

 243,304 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 258,320 total views

 258,320 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top