St. Arnold Janssen Kalinga Center, nagpapasalamat sa pagkilala ng Apostolic Nuncio to the Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 930 total reads

Ang St. Arnold Janssen Kalinga Center ay bunga ng pagnanais na matugunan ang pagdami ng mga mahihirap partikular na ang mga palaboy na walang sariling tahanan sa Kalakhang Maynila.

Ito ang ibinahagi ni Rev. Fr. Flavie Villanueva – Founder ng St. Arnold Janssen Kalinga Center kaugnay sa ika-6 na anibersaryo ng pasilidad.

Ayon sa Pari na kasapi ng Society of Divine Word (SVD) congregation, naging posible ang pagtatayo at pagsisimula ng St. Arnold Janssen Kalinga Center sa pamamagitan ng gabay ng Mabuting Salita ng Diyos upang tunay na maisabuhay ang misyon ni Hesus at ng Simbahan na maipadama ang habag at awa ng Panginoon.

“Kalinga was born because of the influx of the poor that we saw, Kalinga was born because by the formation that I got to the Divine Word calls me or asks me how can the Divine Word take flesh in the midst of of the homeless, there are so many people in the world but the homeless people in Metro Manila remain to be the ones neglected and most recently even pushed to the edges,” pahayag ni Fr. Villanueva.

Pagbabahagi ng Pari, may tatlong bahagi ang misyon ng St. Arnold Janssen Kalinga Center na pagbibigay ng pangkabuuan at sistematikong pagpapahalaga sa dignidad ng bawat nangangailangan kabilang na ang pagkakaloob ng pagkain at paglilinis sa katawan upang maibalik ang maayos na self-image ng bawat isa.

Paliwanag ni Fr. Villanueva, mahalaga ring bahagi ng misyon ng pasilidad ay ang pagkakaloob ng alternative learning system at mapagkakakitaan upang muling maibalik ang self-worth ng bawat isa para sa pagkakaroon ng panibagong buhay.

“The mission is simple, to provide dignified, systematic and holistic care to those in the fringes. There are three phases that they go through beginning with food and hygiene because we wish to recreate the self image, if a person is full and clean then livable daily is once again recreated. Phase two is alternative learning system they have formal form of education which is now also popularly known as Arnold Janssen Catholic Mission, from education we wish our mission holistic and that leads towards providing livelihood and employment in order to help them restore to their self worth.” Dagdag pa ni Fr. Villanueva.

Samantala nagpaabot naman ng pasasalamat si Fr. Villanueva sa personal na pakikibahagi ni Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown sa pagdiriwang ng ika-6 na anibersaryo ng pagkakatatag ng St. Arnold Janssen Kalinga Center.

Ibinahagi ng Arsobispo ang kanyang paghanga at pagkilala sa lahat ng mga nasa likod at nangangasiwa sa pasilidad na isang kongkretong daluyan ng habag at awa ng Panginoon para sa mga nangangailangan sa lipunan.

Ayon kay Fr. Villanueva, ang pagkilala ng kinatawan ng Santo Papa Francisco sa bansa sa layunin at misyon ng St. Arnold Janssen Kalinga Center ay isang inspirasyon upang ipagpatuloy at higit pang maipalaganap ang nasimulan nitong pagbabahagi ng pagkalinga sa mga nangangailangan sa lipunan lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Taong 2015 ng itinatatag ng Society of Divine Word (SVD) congregation sa pangunguna ni Fr. Flavie Villanueva ang St. Arnold Janssen Kalinga Center upang magkaloob ng tulong para sa mga nangangailanngan lalo na ang mga palaboy sa lansangan na walang permanenteng tirahan sa syudad ng Maynila.

Taong 2016 naman ng sinimulan ni Fr. Villanueva ang “Paghilom” program na naglalayong makatulong at makapagpaabot ng suporta sa lahat ng mga naiwang mahal sa buhay at kapamilya ng mga nasawi sa marahas na implementasyon ng War on Drugs ng pamahalaan.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 19,540 total reads

 19,540 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 20,170 total reads

 20,170 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 38,376 total reads

 38,376 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 75,754 total reads

 75,754 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 107,022 total reads

 107,022 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 181,866 total reads

 181,866 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 274,181 total reads

 274,181 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 26,929 total reads

 26,929 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top