Pagpayag ng pamahalaan sa mining operations sa Nueva Vizcaya, kinondena ng Obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 575 total reads

Kinondena ni Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao ang desisyon ng pamahalaan na bigyan ng panibagong kontrata ang Oceana Gold Corporation na nagpapahintulot upang maipagpatuloy ang pagmimina sa Didipio, Nueva Vizcaya.

Ayon kay Bishop Mangalinao, ito’y paglabag sa karapatan ng mga mamamayang buwis-buhay na nakipaglaban upang mapigilan ang operasyon ng nasabing kumpanya sa lalawigan ng Nueva Vizcaya.

Sinabi ng Obispo na pinatunayan ng pamahalaan na mas matimbang pa rin ang kapangyarihan ng salapi, sa halip na mas pag-isipang mabuti ang kapakanan ng kalikasan at kaligtasan ng mga mamamayang naaapektuhan ng nasabing proyekto.

“This government has once again favored interest and profit over the ill effects of mining on our ecology and the indigenous communities that were also divided because of this issue of mining in our province,” bahagi ng pahayag ni Mangalinao sa Radio Veritas.

Iginiit naman ni Bishop Mangalinao na bagamat lubos nilang ikinalungkot ang naging desisyon ng pamahalaan, hindi naman ito magiging hadlang sa kanilang mabuting hangaring ipaglaban ang karapatan ng bawat mamamayan at kalikasan laban sa mapaminsalang hangarin ng pagmimina sa lalawigan.

Dagdag pa ng Obispo na sa pamamagitan ng panalangin, nawa’y dinggin ng Panginoon ang kanilang mga kahilingan na tuluyan nang mahinto ang pagmimina sa lugar at maligtas ang lalawigan at mamamayan sa banta ng kapahamakan.

“This news breaks our hearts but it will never silence us to fight for our common home. We will continue to pray for the end of mining in our province. We will continue to speak until our voices will be heard,” ayon kay Bishop Mangalinao.

Hunyo 19, 2021 nang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Financial and Technical Assistance Agreement No. 1 (FTTA #1) na nagpapanibago sa kontrata ng Oceana Gold upang muling magpatuloy ang operasyon ng pagmimina sa Didipio.

Sang-ayon naman sa Laudato Si ng Kanyang Kabanalan Francisco, mariin nitong tinututulan ang industriya ng pagmimina dahil nag-iiwan lamang ito ng labis na pinsala sa mga komunidad at nakadaragdag sa labis pang paghihirap ng mamamayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 25,753 total reads

 25,753 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 62,178 total reads

 62,178 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 288,448 total reads

 288,448 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 181,915 total reads

 181,915 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 274,589 total reads

 274,589 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 151,183 total reads

 151,183 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top