LASAC, naka blue alert sa sitwasyon ng bulkang Taal

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 447 total views

Nakataas pa rin sa blue alert status ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) at Lipa Archdiocesan Social Action Commission (LASAC) kaugnay sa patuloy na pagliligalig ng Bulkang Taal sa Batangas.

Ayon kay LASAC Director Fr. Jayson Siapco, isa sa mga kapansin-pansin sa aktibidad sa bulkan nitong nakalipas na linggo ay nakitaan ito ng mga pumice o lumulutang na mga bato mula sa bulkan sa ibabaw ng lawa.

Ipinaliwanag ni Fr. Siapco na maaaring nabuo ang mga pumice dahil sa volcanic eruption na naganap noong unang araw ng Hulyo o posible ring nagmula sa underwater eruption.

“Dalawa po ang teorya na pinag-uusapan tungkol dito. Maaaring una, ito ay galing talaga sa volcanic eruption noong July 1, dahil umulan naanod papuntang lawa. Pero ang isa pong theory na pinag-uusapan ay maaaring nagkaroon ng underwater eruption. Kaya mayroong mga lumulutang na… hindi lang po maliliit na bato, mayroon pong mga malalaking bato,” ayon sa pahayag ni Fr. Siapco.

Samantala, patuloy rin ang panawagan ng LASAC sa mga nais magpaabot ng donasyon at tulong para sa mga residente at pamilyang nasa mga evacuation centers.

Higit na kailangan ng mga evacuees ang N95 facemasks; hygiene kits, partikular na ang sabon at alcohol; washable mattress, kumot, at towels; solar lamps; mga gamot para sa ubo at sipon; at mga masusustansiyang pagkain.

Ito’y dahil ayon kay Fr. Siapco, nais nilang matiyak na ligtas ang mga evacuees sa evacuation centers laban sa banta ng panganib dulot ng aktibidad ng bulkan, gayundin sa iba’t ibang mga karamdaman.

“Tatlo po ang binabantayan natin sa evacuation centers. Sila’y pinag-iingat, una, sa pagsabog ng Bulkang Taal, ikalawa’y sa COVID-19, at ikatlo ay sa Dengue,” pagbabahagi ni Fr. Siapco.

Batay sa huling ulat ng PHIVOLCS, nakataas pa rin sa alert level 3 status ang Bulkang Taal, kung saan naitala ang 10 volcanic earthquakes, kabilang na ang siyam na mga pagyanig na tumagal ng isa hanggang anim na minuto.

Naitala rin ngayon ang pinakamababang antas ng sulfur dioxide na ibinuga ng bulkan na umabot sa 2,441 tonelada kada araw, kumpara kahapon na umabot sa 5,466 tonelada kada araw ang ibinugang usok.

Mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pamamalagi at paglaot sa lawa ng Taal patungo sa Taal Volcano Island at high-risk barangays sa Agoncillo at Laurel, Batangas.(nichael)

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 63,470 total views

 63,470 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 63,470 total views

 63,470 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 63,470 total views

 63,470 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 61,517 total views

 61,517 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 56,183 total views

 56,183 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top