Pagtatalaga kay Bishop Pabillo bilang Apostolic Vicar ng Taytay Palawan, pangungunahan ni Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 756 total reads

Pangungunahan ni Archdiocese of Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang pagtalaga kay Bishop Broderick Pabillo bilang obispo ng Apostolic Vicariate ng Taytay Palawan.

Isasagawa ang pormal na pagluklok kay Bishop Pabillo sa ika – 19 ng Agosto ganap na alas nuwebe ng umaga sa St. Joseph the Worker Cathedral.

Ang pagtatalaga sa obispo ay kasabay ng kapistahan ni San Ezequiel Moreno isang misyonerong Agustinian Recollect na nagsilbi sa Palawan makaraang ordinahang pari sa Manila noong 1871.

Bukod pa rito ipagdiriwang din ni Bishop Pabillo sa nasabing araw ang ika – 15 anibersaryo ng pagiging obispo. Taong 2006 nang hirangin ni Pope Emeritus Benedict XVI si Bishop Pabillo bilang katuwang na obispo ng Maynila.

Makalipas ang halos 15 taon naging tagapangasiwa ang obispo sa arkidiyosesis makaraang italaga Si Cardinal Luis Antonio Tagle sa iba’t ibang tanggapan sa Vatican noong Disyembre 2019.

Habang Hunyo 29, 2021 nang hirangin ni Pope Francis si Bishop Pabillo bilang pinunong pastol sa Taytay Palawan kahalili ni Bishop Edgardo Juanich na nagretiro noong 2018 dahil sa usaping pangkalusugan.

Matutunghayan ang installation ni Bishop Pabillo sa The Manila Cathedral, TV Maria At Radyo Veritas PH habang ito rin ay mapakikinggan sa Radyo Veritas 846.

Bukod ky Cardinal Advincula dadalo rin sa solemn installation ni Bishop Pabillo si Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown at iba pang obispo ng bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 14,818 total reads

 14,818 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 51,974 total reads

 51,974 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 278,244 total reads

 278,244 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 171,711 total reads

 171,711 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 265,005 total reads

 265,005 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top