Pagpapahalaga ng administrasyong Duterte sa kapakanan ng mga OFW, kinilala ng opisyal ng CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 509 total views

Kinilala ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang administrasyong Duterte na nagpatupad ng mga alintuntuning kapakipakinabang sa Overseas Filipino Workers.

Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos, Vice Chairman ng CBCP Migrants Ministry, ilan sa mga ilegal na gawain na nagapahirap sa mga OFW ang binigyang solusyon ng pamahalaan.

“We are grateful and appreciate what the present Administration did to our OFWs especially eradication of evil practice of “tanim bala” and of the unjust terminal fee of 550 pesos which our OFWs are exempted, non-taxation on balikbayan boxes,” pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Matatandaang 2015 naging malaking usapin sa bansa at maging sa international community ang modus operandi na ‘laglag bala’ na kinasasangkutan ng ilang kawani ng Ninoy Aquino International Airport kung saan ang mga nahuhulihan ng bala sa kanilang mga bagahe ay mahaharap sa kaso at kinakailangang magbayad ng multa.

Ang pahayag ng Obispo ay kaugnay sa nalalapit na huling State of the Nation Address ng Pangulong Rodrigo Duterte sa July 26.

Bukod pa rito, kinilala rin ni Bishop Santos ang inisyatibo ng pamahalaan na tulungan ang mga OFW na naiipit sa kaguluhan sa ibayong dagat sa pamamagitan ng pagbibigay ng atensyong legal at pagsusulong sa katarungan ng bawat migrante.

“Those stranded OFWs because of regional or civil wars, pandemic are repatriated. Those who have been victimised are defended and justice served to their abusers,” ani Bishop Santos.

Kabilang sa binibigyang prayoridad ng administrasyong Duterte ngayong pandemya ang repatriation ng mahigit 600,000 OFW mula noong Mayo 2020 habang hinihintay pa ang karagdagang mahigit 100, 000 na paparating sa bansa.

Dahil sa mga safety protocol na ipinatupad ay isinailalim sa quarantine, ang mga umuwing OFW na nakinabang sa libreng quarantine facilities sa mga hotel sa pakikipagtulungan ng pamahalaan.

Umaasa ang opisyal na palalawigin pa ng mga susunod na lider ng bansa ang pagpapatupad ng mga batas sa kapakinabangan ng mga OFW bilang pagkilala sa kanilang sakripisyo at tulong sa paglago ng ekonomiya ng bansa.

“We hope and pray that the government plans to appeal for cancellation of Kefala and creation of Department of OFWs will continue and will be a reality,” ayon kay Bishop Santos.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 25,263 total views

 25,263 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 53,268 total views

 53,268 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 71,068 total views

 71,068 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 70,038 total views

 70,038 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 180,666 total views

 180,666 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Santo Papa, nanawagan ng pagbangon

 9,270 total views

 9,270 total views Mariing nanawagan ng pagbangon at pag-asa ang Kanyang Kabanalan Leon XIV sa mamamayan ng Angola sa kanyang isinagawang misa sa kanyang pagdalaw sa

Read More »
Scroll to Top