Diocese of San Carlos, pinarangalan ng Parole and Probation Administration

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 964 total reads

Ginawaran ng pagkilala ng Parole and Probation Administration (PPA) ang Diocese of San Carlos, Negros Occidental dahil sa aktibong ambag ng diyosesis sa mga programa at inisyatibo ng institusyon para sa mga bilanggo.

Nasasaad sa pagkilala ang pagpapasalamat ng P-P-A sa diyosesis sa walang sawang pakikipagtulungan nito sa mga isinasagawang imbestigasyon at rehabilitasyon para sa mga probationers, parolees at pardonees na nagbibigay-daan sa mabilis at ganap na pagbabago ng mga ito .

Ayon sa pamunuan ng P-P-A, mahalaga ang ambag at partisipasyon ng Simbahan na naipamalas ng Diocese of San Carlos sa ganap na paggabay at pagpapanibago ng mga bilanggo.

Nagpapasalamat naman si San Carlos Bishop Gerardo Alminaza sa natanggap na pagkilala ng diyosesis mula sa P-P-A.

Tiniyak rin ng Obispo ang patuloy na pagpapatatag sa Community-Based Rehabilitation Program ng diyosesis na tinaguriang K.A.A.B.A.G. (Kinabuhi Angay Ampingan, Bag-ohon Alang sa Ginoo) na higit na naging posible at epektibo sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan ng San Carlos at mga ahensya ng pamahalaan.

“For our Community-Based Rehabilitation Program called K.A.A.B.A.G. (Kinabuhi Angay Ampingan, Bag-ohon Alang sa Ginoo) in partnership with the LGU San Carlos and other Government Agencies like DSWD, DOH, DILG, PNP, BJMP, & DOJ — the Parole and Probation Administration (PPA) on its 45th Anniversary gave the Diocese of San Carlos this token of appreciation on July 22, 2021.” pahayag ni Bishop Alminaza.

Iginiwad ang pagkilala sa Diocese of San Carlos kasabay ng paggunita ng ika-45 anibersaryo ng Parole and Probation Administration (PPA) noong ika-22 ng Hulyo, 2021 na may temang “45 Years of Redeeming Lives and Restoring Relationships”.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 98,258 total reads

 98,258 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 236,656 total reads

 236,656 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 352,433 total reads

 352,433 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 469,083 total reads

 469,083 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top